Martes, Setyembre 2, 2014

Batang Dekada Nobenta

ilan taon na po kayo? …ako? …tatlumpo’t tatlong taon na po…tamang edad para sabihing…”ang tanda mo na, anime at cartoons pa din ang pinagkakaabalahan mo…”… nakakatuwang isipin na ito pa din ang aking pinakakabalahan hanggang sa ngayon… kahit na anong kantyaw ang makuha ko sa aking mga kapatid, nanay at ibang mga kakilala, hindi ko pa din magawang iwanan ang napakasayang pagkakataon na ito… ang maging bata ng ilang saglit sa mabilis na pagtakbo ng panahon…

…bukod sa pinalaki ako ng aking magulang sa palo ng sinturon at yantok…totoong nakagisnan ko na din ang panonood ng mga sentai, anime at cartoons… alam kong ang ilan sa inyo sa ngayon ay hindi mapigilan ang panonood ng mga anime tulad ng naruto, bleach at one piece… kabilang ata ako dun… sa totoo lang epekto pa din ito siguro ng aking nakagawian noong bata pa ako, hindi ko pa din makaligtaan ang masasayang alaala ng panood ng ng mga super sentai…sige nga, sino nga ba ang makakalimot kay alexis bilang shaider? at kay annie na tuwang-tuwa ka sa twing tumatambling ito at laging inaabangan kasi kita ang kanyang puting panty, hindi mo pa din makakalimutan ang kanta ng mga alagad ni Puma Lay Ar na shigi-shigi…sa aking palagay, na nuong una kong napanuod nakakatakot sinu ba naman hindi matatakot sa pugot na lumilipad na may mahabang pangil at nakakatakot na mukha, kilala mo pa din si pibo ng bioman…siguro naalala mo din na namatay ang unang yellow four, si pink 5 na favorite ko kasi bakat yung anu nya he he he.. si gorgom ng mask rider black kilala mo pa ba… Si Mask Rider black na walang katapusang naglalakad hindi matapos tapos bukod sa mga iyan, alam kong naaliw ka din kay machine man na namamasyal pa bago mag-transform…nakakatuwa din ang kanyang plastik cover na kapa at ang kanyang bolang si buknoy " The fighting ball " alam kong alam nyo pa din ang kantang…”Humanda na kayo kampon ng kadiliman Oras na ng pagtutuos kasamaan niyo’y dapat matapos… Narito na sila Bayaning tagapagtanggol Sa masama’y lilipol…”… tama! mula yan sa paborito kong Maskman..na minsan kung banggitin natin ay “MaskUman”… at hindi pa iyan jan magtatapos dahil, ang iba sa atin at malamang tulad ko din ay hindi pinaligtas ang UltraMan…madaming klase yan…Ultraman Ace, Ultraman King, Ulatraman Zopi, at madami pa ang angkan nyan…sama-sama nilang nilalaban ang mga dambuhala na sumasakop sa earth…aliw!…oo nga pla, si poseidon naalala mo pa?…ang jetman? and turbo rangers? hanggang dumating na tayo sa edition ng mga power rangers na sangkatutak na din ang versions. Dragon Ball Z na hanggang ngayung 2014 pinapalabas parin kahit sa internet hindi ko pa makita ang ending kung sino makakatalo kay majimboo…

…hindi natin napapansin na noon pa man matindi talaga ang attachment ng mga panoorin ito mula sa bansang hapon sa mga 80s at 90s babies sa Pilipinas… hindi lang sa mga sentai na panoorin, isama natin ang anime… sigurado ako kilala nyo naman ang Voltes V…hindi yan kamag-anak ni Gary V o Michael V…pero alam kong kilala nyo sila… naaalala nyo pa din siguro si Daimos na may kakaibang boobs… at ang iba’t ibang edition ng Voltron na kilala sa tagline na “Voltron Defender of the Universe”… pero hindi pa dyan nagtatapos ang pagpapakilala ng bansang hapon sa kanilang malikhaing gawa…sumunod-sunod ng lumabas ang Japanese Manga… Yakitate Japan, Evangelion, Saber Marrionette (peborit ko ito), Zenki (dakilang alagad ni Vadjula palayain mo ang iyong alagad na si Zenki, Vadjulla, maharu..sumskala…*yan ang naaalala ko dun pero inde ko alam ang ibig sabihin nung mga huling salita doon*), Ranma1/2, Samurai X, SlumDunk, Prince of Tennis, Dragon Ball Z, Ghost Fighter (si Eugune o kilala sa tawag na Yusuke), Lupin III, Vash Stampede ng Trigun, Sena ng Eyeshield21, Law of Euki…Sailor moon, magic rayearth, uggghhh… Si Mojacko na ang haba ng dila kapag nababasa ay lumalapad. Anong sinabi ni Dora at ni SpongeBob sa mga ito? Yan ang inaabangan namin nung maliliit kami. Marami pang anime tulad ng Flame of Recca, Samurai X, at Slam Dunk (ginagaya mo pa nga yung style ni Sakuragi diba?) na pumatok sa amin nung maliliit kami. Makakalimutan mo na nga ang asayment mo sa kakanuod nito. Kinakanta pa namin ang mga opening theme nitong mga to kahit Japanese Basta lang tumugma yung tunog at tama ang tono walang mali sa pandinig namin at pagkanta nito.ang dami pa kaso hindi ko na matandaan ang title ng iba…

…ang totoo nyan hindi lang naman mula sa bansang hapon ang mga panoorin ating kinagiliwan noon…. syempre…iba din ang tirada ng Looney Toons, ang klasik na Popeye the sailor man toootoot! may tootoot talaga yun…sina Daisy at Donald Duck, Flintstones, Road Runner, Woody Wood pecker, Pokemon (japan galing ito), Roger Rabbit, Tazmanian devil at syempre sina Mickey Mouse hindi natin na makakaligtaan sa listahan… pero bukod kina Winnie the Pooh at Barney na kilala ngayon…naalala nyo pa din ba kung gaano naging sikat ang marvel superheroes…sina mighty mouse este Mighty Thor at ang Justice League…syempre nandyan din ang X-Men…isasama ko na din sina Blue Blink, Remi, Nelo ng Dog of Flanders, alaga niyang ako ay si Patras, (Nelo Patras tagatinda ng gatas ) Heidi, Von Trapp Family, Adventures of Huckleberry Finn kasama nya si Tom Sawyer, si Mary at ang Lihim na Hardin, Si Julio at Julia ang kambal ng tadhana, Peter Pan, Princess Sarah…alam kong madami ka pang idadagdag dyan… oo nga pala, naalala nyo pa din siguro si Conan The Barbarian? Si He-Man at She-Ra, pamilyar ka pa din ba? eh bukod kina Michaelangelo, Leanardo, Rafael at Donatello ng Ninja Turtles, kilala mo pa din ba ang Ghost Busters? Si Cedie ang munting prinsepe, ang malupit dyan hindi ko pa din makakaligataan si Wally ng “where’s wally?” dahil ilang beses na akong na-late sa klase dahil sa kahahanap sa kanya…

sa mga pinagkaabalahan ko noong bata pa ako…masisisi nyo ba ako kung bakit hanggang sa ngayon patuloy pa din ang aking pagsubaybay sa buhay ni Naruto at ni Ichigo ng Bleach?… pero hindi lang yun, pati ang buhay ni Luffy ng One Piece ay susubaybayan ko na din.

oo nga pala…baka sabihin nyo hindi ako nanood ng mga panooring pilipino…syempre hindi ko din yan pinaligtas…mula sa paglipad sa pelikula nila Dolphy at Panchito, kakaibang aksyon ni FPJ, agimat ni Ramon Revilla, Petrang Kabayo ni Roderik, Inday-inday sa Balitaw at madami pang iba…syempre sa telebisyon hindi ko din makakaligtaan ang seryeng Agila dahil pinapatulog na ako ng nanay ko pagkatapos nun… ang Ana Luna na sobrang tagal bago matapos…ang nagtatago este nawawalang diary ni Mara Clara…ang heredero…ang batang gubat na si Ula…lahat yan naging parte ng aking pagkabata…

nakakatuwang isipin na ang mga iyan ay naging bahagi ng aking tatlupong tatlong taon sa mundong ito… mga panooring naging bahagi ng aking pagkatao…mga panooring produkto ng malawak na imahinasyon… imahinasyong puno ng mga pangarap…pangarap na nagbibigay halaga sa ating pagkatao…

Nakakamiss naman talaga maging bata. Alam kong may iba din kayong mga naranasan noon pero magkakapareho tayo sa iisang bagay: dumaan tayo sa pagiging isang “BATANG DEKADA NOBENTA 90’S”.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento