Bago pa man lumabas ang mga TV series about friendship ngayon tulad ng LUV U, Tween Hearts na yan sa panahon ngayon dito nagsimula ang mga yan. Dekada nobenta ng magsimula ang TV series tungkol sa friendship, mga pa sweet, pa tweetums, pa cute, pa kilig barkadahan para sa mga teenager walang iba kundi ang Tabing Ilog.
College days ko syempre 90's parin ito ng unang lumabas ng Tabing Ilog I remember it was a sunday March 14, 1999, ng nagpunta kami ng mga college friends ko sa isang fiesta in Gerona Tarlac, syempre napaka special sakin ng araw na ito dahil that day nagkaroon ako ng isang maganda at mabait na bestfriend it almost 1 1/2 dekada 15 years na ang nakakaraan until this time were friends parin kahit hindi na muling nagkita kasi may kanikaniya na kaming pamilya but still we have a communication besides that hindi namin nakalimutan ang isa't isa. Anyway back to the Tabing Ilog proud ako dahil sa naging kasama ko ito sa aking teenage life for almost 4 years na airing nito.
I know kahit na sa mga kabataan ngayon may ilan pa sa mga cast nito ang nakakilala. Here are the main characters:
* John Lloyd Cruz as Ronaldo Victor 'Rovic' Mercado
* Kaye Abad as Epifania 'Eds/Ponyang' delos Santos-Mercado
* Jodi Sta. Maria as Georgina 'George' Fuentebella
* Baron Geisler as Alfonso 'Fonzy' Ledesma
* Paolo Contis as Salvador 'Badong' Magtibay
* Desiree del Valle as Corrinne Ledesma
* Paula Peralejo as Angela 'Anne' de Guzman
* Patrick Garcia as Jaime 'James' Collantes
This TV series is story circulates on their friendship and find their paths in finding new friends. Namiss ko talaga ito ng sobra sobra. May mga balita dati na ipapalabas ulit ito ng ABS CBN starring Miles Ocampo as Eds and Marco Gumabao as Rovic pero parang naiba naman naging " LUV U ". starring Miles Ocampo, Kiray Celis, CJ Navato, Igi Boy Flores, Rhap Salazar, Angeli Gonzales and Marco Gumabao. Until now I'm hoping na muli ulit itong maipalabas at pangako muli ko itong susubaybayan dahil dito ako ay muling magiging isang teenager......
Minsan nag reunite ang mga cast ng Tabing Ilog as ASAP at syempre inabangan ko talaga to... Sarap talagang maging isang batang dekada nobenta 90's.
Tabing Ilog theme song performed by Barbies Cradle sung by Barbie Almalbis
Here are some clips na nakakilig...
Here is the first episode:
https://www.youtube.com/watch?v=QFPJ2U1476k&feature=related
ilan taon na po kayo? …ako? …tatlumpo’t tatlong taon na po…tamang edad para sabihing…”ang tanda mo na, anime at cartoons pa din ang pinagkakaabalahan mo…”… nakakatuwang isipin na ito pa din ang aking pinakakabalahan hanggang sa ngayon… kahit na anong kantyaw ang makuha ko sa aking mga kapatid, nanay at ibang mga kakilala, hindi ko pa din magawang iwanan ang napakasayang pagkakataon na ito… ang maging bata ng ilang saglit sa mabilis na pagtakbo ng panahon…
…bukod sa pinalaki ako ng aking magulang sa palo ng sinturon at yantok…totoong nakagisnan ko na din ang panonood ng mga sentai, anime at cartoons… alam kong ang ilan sa inyo sa ngayon ay hindi mapigilan ang panonood ng mga anime tulad ng naruto, bleach at one piece… kabilang ata ako dun… sa totoo lang epekto pa din ito siguro ng aking nakagawian noong bata pa ako, hindi ko pa din makaligtaan ang masasayang alaala ng panood ng ng mga super sentai…sige nga, sino nga ba ang makakalimot kay alexis bilang shaider? at kay annie na tuwang-tuwa ka sa twing tumatambling ito at laging inaabangan kasi kita ang kanyang puting panty, hindi mo pa din makakalimutan ang kanta ng mga alagad ni Puma Lay Ar na shigi-shigi…sa aking palagay, na nuong una kong napanuod nakakatakot sinu ba naman hindi matatakot sa pugot na lumilipad na may mahabang pangil at nakakatakot na mukha, kilala mo pa din si pibo ng bioman…siguro naalala mo din na namatay ang unang yellow four, si pink 5 na favorite ko kasi bakat yung anu nya he he he.. si gorgom ng mask rider black kilala mo pa ba… Si Mask Rider black na walang katapusang naglalakad hindi matapos tapos bukod sa mga iyan, alam kong naaliw ka din kay machine man na namamasyal pa bago mag-transform…nakakatuwa din ang kanyang plastik cover na kapa at ang kanyang bolang si buknoy " The fighting ball " alam kong alam nyo pa din ang kantang…”Humanda na kayo kampon ng kadiliman Oras na ng pagtutuos kasamaan niyo’y dapat matapos… Narito na sila Bayaning tagapagtanggol Sa masama’y lilipol…”… tama! mula yan sa paborito kong Maskman..na minsan kung banggitin natin ay “MaskUman”… at hindi pa iyan jan magtatapos dahil, ang iba sa atin at malamang tulad ko din ay hindi pinaligtas ang UltraMan…madaming klase yan…Ultraman Ace, Ultraman King, Ulatraman Zopi, at madami pa ang angkan nyan…sama-sama nilang nilalaban ang mga dambuhala na sumasakop sa earth…aliw!…oo nga pla, si poseidon naalala mo pa?…ang jetman? and turbo rangers? hanggang dumating na tayo sa edition ng mga power rangers na sangkatutak na din ang versions. Dragon Ball Z na hanggang ngayung 2014 pinapalabas parin kahit sa internet hindi ko pa makita ang ending kung sino makakatalo kay majimboo…
…hindi natin napapansin na noon pa man matindi talaga ang attachment ng mga panoorin ito mula sa bansang hapon sa mga 80s at 90s babies sa Pilipinas… hindi lang sa mga sentai na panoorin, isama natin ang anime… sigurado ako kilala nyo naman ang Voltes V…hindi yan kamag-anak ni Gary V o Michael V…pero alam kong kilala nyo sila… naaalala nyo pa din siguro si Daimos na may kakaibang boobs… at ang iba’t ibang edition ng Voltron na kilala sa tagline na “Voltron Defender of the Universe”… pero hindi pa dyan nagtatapos ang pagpapakilala ng bansang hapon sa kanilang malikhaing gawa…sumunod-sunod ng lumabas ang Japanese Manga… Yakitate Japan, Evangelion, Saber Marrionette (peborit ko ito), Zenki (dakilang alagad ni Vadjula palayain mo ang iyong alagad na si Zenki, Vadjulla, maharu..sumskala…*yan ang naaalala ko dun pero inde ko alam ang ibig sabihin nung mga huling salita doon*), Ranma1/2, Samurai X, SlumDunk, Prince of Tennis, Dragon Ball Z, Ghost Fighter (si Eugune o kilala sa tawag na Yusuke), Lupin III, Vash Stampede ng Trigun, Sena ng Eyeshield21, Law of Euki…Sailor moon, magic rayearth, uggghhh… Si Mojacko na ang haba ng dila kapag nababasa ay lumalapad. Anong sinabi ni Dora at ni SpongeBob sa mga ito? Yan ang inaabangan namin nung maliliit kami. Marami pang anime tulad ng Flame of Recca, Samurai X, at Slam Dunk (ginagaya mo pa nga yung style ni Sakuragi diba?) na pumatok sa amin nung maliliit kami. Makakalimutan mo na nga ang asayment mo sa kakanuod nito. Kinakanta pa namin ang mga opening theme nitong mga to kahit Japanese Basta lang tumugma yung tunog at tama ang tono walang mali sa pandinig namin at pagkanta nito.ang dami pa kaso hindi ko na matandaan ang title ng iba…
…ang totoo nyan hindi lang naman mula sa bansang hapon ang mga panoorin ating kinagiliwan noon…. syempre…iba din ang tirada ng Looney Toons, ang klasik na Popeye the sailor man toootoot! may tootoot talaga yun…sina Daisy at Donald Duck, Flintstones, Road Runner, Woody Wood pecker, Pokemon (japan galing ito), Roger Rabbit, Tazmanian devil at syempre sina Mickey Mouse hindi natin na makakaligtaan sa listahan… pero bukod kina Winnie the Pooh at Barney na kilala ngayon…naalala nyo pa din ba kung gaano naging sikat ang marvel superheroes…sina mighty mouse este Mighty Thor at ang Justice League…syempre nandyan din ang X-Men…isasama ko na din sina Blue Blink, Remi, Nelo ng Dog of Flanders, alaga niyang ako ay si Patras, (Nelo Patras tagatinda ng gatas ) Heidi, Von Trapp Family, Adventures of Huckleberry Finn kasama nya si Tom Sawyer, si Mary at ang Lihim na Hardin, Si Julio at Julia ang kambal ng tadhana, Peter Pan, Princess Sarah…alam kong madami ka pang idadagdag dyan… oo nga pala, naalala nyo pa din siguro si Conan The Barbarian? Si He-Man at She-Ra, pamilyar ka pa din ba? eh bukod kina Michaelangelo, Leanardo, Rafael at Donatello ng Ninja Turtles, kilala mo pa din ba ang Ghost Busters? Si Cedie ang munting prinsepe, ang malupit dyan hindi ko pa din makakaligataan si Wally ng “where’s wally?” dahil ilang beses na akong na-late sa klase dahil sa kahahanap sa kanya…
sa mga pinagkaabalahan ko noong bata pa ako…masisisi nyo ba ako kung bakit hanggang sa ngayon patuloy pa din ang aking pagsubaybay sa buhay ni Naruto at ni Ichigo ng Bleach?… pero hindi lang yun, pati ang buhay ni Luffy ng One Piece ay susubaybayan ko na din.
oo nga pala…baka sabihin nyo hindi ako nanood ng mga panooring pilipino…syempre hindi ko din yan pinaligtas…mula sa paglipad sa pelikula nila Dolphy at Panchito, kakaibang aksyon ni FPJ, agimat ni Ramon Revilla, Petrang Kabayo ni Roderik, Inday-inday sa Balitaw at madami pang iba…syempre sa telebisyon hindi ko din makakaligtaan ang seryeng Agila dahil pinapatulog na ako ng nanay ko pagkatapos nun… ang Ana Luna na sobrang tagal bago matapos…ang nagtatago este nawawalang diary ni Mara Clara…ang heredero…ang batang gubat na si Ula…lahat yan naging parte ng aking pagkabata…
nakakatuwang isipin na ang mga iyan ay naging bahagi ng aking tatlupong tatlong taon sa mundong ito… mga panooring naging bahagi ng aking pagkatao…mga panooring produkto ng malawak na imahinasyon… imahinasyong puno ng mga pangarap…pangarap na nagbibigay halaga sa ating pagkatao…
Nakakamiss naman talaga maging bata. Alam kong may iba din kayong mga naranasan noon pero magkakapareho tayo sa iisang bagay: dumaan tayo sa pagiging isang “BATANG DEKADA NOBENTA 90’S”.
Dalawang dekada na pala ang lumipas ngunit sariwa parin sa akin ang mga commercial na itu, sinu ba naman sa atin ang hindi sinasabayan ang mga tagline ng mga commercial kahit pinapagalitan tayu ng ating mga magulang kasi naiingayan sila diba?, lalo na kapag pagkain ang commecial pupuntahan pa natin ang screen ng television at hahawakan at isusubo ang kamay kunwari kakainin natin ang nasa commercial. Masaya ako at ako ay naging batang dekada nobenta, I know sa mga mga ka batchmate nakalimutan nyo na ang mga ilan dito.
Batang Nineties 90's ka kung alam mo ang mga commercial na itu,
Jollibee (isang tulog na lang, jollibee na naman.ang araw lulubog, bukas mabubusog, sa chickenjoy manok at yumburger bilog..i love you sabado, pati na rin linggo, hintay ka lang jollibee nandyan na ako panlasang Pilipino at home sa jollibee!)
Mcdonalds ( Lo eto napo, san kaba galing gina, lo karen po, kasi ang tagal na natin hindi na nagkikita Gina, Karen po, hinati yung burger "ito para sa paborito kong apo si Karen )
Chowking "Nanay, nanay don't you cry sa allowance ko pwede pang mabuhay dun sa chowking merong meals tag 29 ang pancit 25 pesos lang 16 pesos can buy siomai merienda noodles 24 lang inay chicharap 14.50, halo halo 25 only nanay, nanay to you i sing affordable at eatable sa chowking!
Greenwich "Hanep hindi na drama naglevel up kana" "Sobra cheezy
Cindys "Cindys is the place to be, when your hungry Cindys is the place to be, burger french fries fried chicken, cindys is the place to be.
Tender Juicy Hotdog " Dear diary carlo said he want me to date sabi nya im pretty kaso lang im pat I eat to much kasi eh mula ngayun goodbye chocolates goodbye spaghetti ( tumingin sa lamesa may hotdog ) ayyy.... goodbye carlo
Seiko Wallet (seiko, seiko wallet, ang wallet na maswerte, balat nito ay genuine, international pa ang mga design, ang wallet na maswerte, seiko, seiko wallet). Sieko wallet ang wallet na maswerte.=
Mr. Clean (spoken: follow the leader. labadami, labango, new mr. clean,power plus 2 labadang mas malinis, ngayon ay labadami,labango. mr clean mahal ka namin, dulot mo’y labadami, labango.)
Knorr Real Chinese Soup (just add one egg!)
Tiki Tiki ( united american tiki-tiki plus for baby )
Cheeze Curls by Jack’n Jill (cheesy cheeze curls, you’re the one… you make snack time lots of fun!… cheesy cheeze curls you’re my favorite cheesy treat!)
Promil (gifted child)… the sun is in the center of the solar system… moving around it are the planets…
" mom said dont eat your words, she said i have a beautiful voice" ang kulit & cute nung bata...
Coke ito ang beat sabay-sabay, ito ang beat bawal sablay pabilis ng pabilis wag magmimiss wag magmimiss gets mo na gets ko na? cocacola nahihilo nahihilo nalilito nalilito, coke ko ito coke ko ito!
Palmolive – I can feel it! (with Alice Dixon)
Family Rubbing Alcohol – Di lang pampamilya pang-sports pa!
Milo – Great things start from small beginnings. Growing up with Milo, Milo everyday…
McDonalds</strong> – paparappapap love ko ‘to!=
Close Up – theme songs such as Closer You and I and Just A Smile Away
Colgate – brush brush brush three times a day, brush brush brush to make cavities away brush brush brush three times a day BRUSH WITH COLGATE! sheegeeesheegeee… one bago matulog brush brush brush dalawa bago kumain rush brush brush three bago matulog brush brush brush brush with colgate!
Globe ( jackmaawatan )
Smart</strong> ( simply Amazing )
PLDT " Aru Dugo-Dugo gang kayu tatawag ako ng pulis " "Suporttahan taka"
Alaska" wala paring tatalo sa alaska"
Birch Tree " It's everybody's milk "
AmbiPure" see the clean, smell the flower
Avon " Lets talk "
Axe " because first expressions last " favorite scent ko yung
Mirage...
Bonamine " kontra biyahilo " " gamot sa bukol meron ka?
"
Cape Puro " sarap ng giniling na kape in an instant "
CDO Carne Norte " sarap gisado, nalalanghap "
Snickers " when you’re hungry "
Clover Chips " Simut sarap talaga "
Dari Creme " pinipili ng mapiling ina "
Dragon Katol " lamok siguradong tepok"
Dunkin Donuts " pasalubong ng bayan "
Newtex "dalaga kana hindi na bata"
Nestle Fresh Milk " galing sa dodo ng cow"
Globe " kausapin mo yang si Katrina, sumosobra na siya "
Skyflakes " by the way its tricia"
Coke "bridesmaid kalang"
Golden Fiesta Cooking Oil " pitong beses man gamitin golden brown
parin" paano kung sa tuyo gamitin golden brown parin kaya?
Goldilocks " how thoughtful "
Rejoice Shampoo " ang gaan gaan ng feeling "
Johnson Baby Powder " ikaw lamang wala nang iba "
Joy bathroom tissue " sa bukid walang papel, kiskis mo sa pilapil
"
Kitkat " Have a break "
Master Eskinol " sikreto ng mga gwapo at sinuswerte "
Motolite " kumbinsing "
Nagaraya " go nuts with a crunch "
Nestea Ice Tea " take the plunge "
Nido " for the world’s no. 1 "
Oreo " twist, lick, dunk "
Pringles " once you pop, you can stop "
Revicon Forte "buhay ang dugo, buhay ang lakas "
Tide "lagi nalang ako puros nalang ako "
Polo " the mint with a hole"
Safeguard " superior skin germ protection " kunsyensa "
Magnolia " sinung bestfriend mo duon syempre ikaw lang"
Ovaltine
kuya : talaga bang mas masarap ang choco drink mo kesa
sakin?
bata : oo naman.
kuya : kung walang milk
bata :masarap pa rin!!
kuya :kung walang sugar?!
bata : masarap pa rin!!
kuya : kung walang water ?!?!?!
bata : masarap pa rin!!!
Bear Brand Choco " choco na gatas gatas na choco "
Family Toothpaste " Mother Father Brother Sister how you brush your teeth...
Coke
“I am the future of the world.
I am the hope of the nation.
I am tomorrow’s people.
I am the new generation.
And we have a song to sing to you…”
Jollibee " mommy nawawala si Jennifer "
Knorr Sinabawang Gulay (food seasoning for soup). "Makulay ang buhay,
makulay ang buhay sa sinabawang gulay."
Nido Powder Milk "Look at me now, you're my number one. Bright as the
day, you're my number one!"
Camella Homes "Bulilit, bulilit sanay sa masikip. Kung kumilos, kumilos
ang liit-liit. Bulilit!"
Purefoods Hotdog : Kids can tell
Royal "ito ang gusto ko" "ilabas ang kulit".
Bear Brand Choco " choco na gatas gatas na choco "
7 up " i love you Piolo " before animated by Pido Dido
Sarsi " angat sa iba"
Family Toothpaste " Mother Father Brother Sister howyou brush your
teeth..
Coke
“I am the future of the world.
I am the hope of the nation.
I am tomorrow’s people.
I am the new generation.
And we have a song to sing to you…”
Beam Toothpaste " B-E-A-M means smile. Smile kami pag BEAM. Beam na
Beam ngiti'y protektado, panalo sa presyo panalo pag BEAM! "
Sunny Orange (bottled juice drink) " Sunny Orange I love you, Lemon,
grapes, strawberry"
Nido Powder Milk "Look at me now, you're my number one. Bright as the
day, you're my number one!"
Purefoods Hotdog : Kids can tell
Ang sarap balikan ang mga alaala nung ating kabataan na walang iniisip na
problema dahil sa mga ito muli nating maibabalik sa ating mga isipan ang ating
kabataan na mananatili sa ating mga isipan. Proud to be Batang 90's, Batang
Dekada Nobenta.
Kung meron pa kayong maidadag dyan mawari ay pakisabi nalang kung meron pa
akong nakalimutan..