Miyerkules, Setyembre 6, 2017

Ber months na!

SEPTEMBER NA, ber months na, ‘ika nga, at uso na naman ang katagang September, be good to me. Pero don’t worry magiging good talaga ang ating September, dahil simula na ang pinakamahabang selebrasyon sa ating bansa, ang Pasko.

Dito lang sa atin ‘yan, ang mahaba at siyempre masayang selebrasyon ng Pasko, kung saan kahit September pa lang ay nagpapatugtog na ang ilang Pinoy ng tugtugang pam-Pasko. Napakaganda naman talaga ng mga tugtuging pam-Pasko, dahil nakarerelaks talaga at masayang pakinggan sa ating tenga.

Ang iba rin sa atin ay nagsisimula nang magsabit ng mga Christmas décor na mga nagniningning, naggagandahan sa kani-kanilang bahay. Ang iba naman ay bumibili na ng mga regalo para sa kanilang mga mahal sa buhay, pamilya, kaibigan, at sa iba pa. Kahit ang ibang mall ay nagdi-display, nagbebenta na ng mga pang-dekorasyon, pang-regalo, at iba-iba pa para sa Pasko.

Napakasaya ng paghahanda na ito dahil Setyembre pa lang ay talagang nae-excite, natutuwa na sa darating na Pasko, birthday ng ating mahal na Panginoon. Pero ating tandaan, hindi lang sa pagpasok ng September o ber months ay ang pagpasok ng mahabang selebrasyon ng Pasko, ngunit ang pagtaas din ng mga krimen, aksidente, at delikado kung saan-saan man.

Tuwing ber months, doble-doble ang saya dahil sa selebrasyon na ito, pero doblehin din natin, mga kaibigan, ang ating pag-iingat, dahil tulad huling taon (2016), nang pumasok ang buwan ng Setyembre, ay umakyat ang bilang ng mga krimen tulad ng pagnanakaw.

Maging alerto tayo tuwing tayo ay nasa lugar na maraming tao dahil ang krimen, ang mga magnanakaw ay hindi na namimili ng oras, kaya ingatan natin ang ating mga gamit at siyempre ang ating mga sarili. Maging alerto sa ating pupuntahan lalo na kung maraming tao dahil baka hindi natin namamalayan ay nadukutan o nanakawan na pala tayo.

Hindi lang sa mga magnanakaw tayo mag-ingat, kundi pati na rin sa ating mga bibilhin para sa Pasko. Tulad ng mga bilihin tuwing pasukan na mga school supplies, tuwing ber months naman, mga bilihin na christmas light at iba-iba pang mga pang-regalo, tulad ng laruan at iba pa.

Mag-ingat tayo sa pagbili ng decoration, mga christmas light. Maging mapanuri sa pagpili o pagbili ng christmas light. Dapat nating i-check ang mga dapat i-check kung ito ay safe para makaiwas-disgrasya o sunog na maaari pang maging trahedya. Sa pagbili ng mga pang-regalo, lalo na ng laruan, maging maingat din tayo dahil ang ibang laruan ay maaaring may halong kemikal na maaring makasama sa mga bata. Kaya dapat marunong tayong tumingin sa mga ating mga bibilhin kung ito ay ligtas para walang maging problema.

Tayo ay maging maingat lagi sa ating mga gamit, sa ating mga sarili, at sa ating mga bibilhin kahit hindi selebrasyon ng Pasko o pagpasok ng ber months. Dahil ang aksidente nga ay walang pinipiling lugar, walang pinipiling tao, at walang pinipiling oras.

Sa pagpasok ng ber months, tayo ay maging masaya lang lagi lalo na’t mahabang selebrasyon na ng Pasko. Pero maging masaya na may pag-iingat para happy lang, walang bad vibes na mangyari.

Biyernes, Pebrero 19, 2016

Malulupet na “QUOTABLE QUOTES"


Iba’t ibang serye ng katangahan, kamartyran, kawalanghiyaan at katalinuhan ang inyong mahahantungan!!!

“May mga bagay na ayaw mo nang ituloy, pero ayaw mo rin wakasan. Yun bang ayaw mo nang umasa, pero gusto mo pa din maghintay.”

Isang banat mula kay Papa Jack na biglang humagip sa isipan ko habang naghihintay ng bus. Minsan kasi halos ugatin kana kahihintay pero keri prin…tipong umaasa kang ung bus na hihinto sa harap mo eh un na yung sasakyan mo. Malas mo nga lang kung namali ka ng nasakyan at kailangan mong bumaba para mag-abang uli. Lugi ka na nga sa pamasahe… nasayang pa oras mo. Pero sa kabila nun na-enjoy mo naman yung ride at kahit papano eh uminit din ang pwet mo sa upuan. Parang kagabi uminit ang ulo ko at hindi hangover sa alak ang nangyari sa akin pag gising kundi hangover sa inis. Hahaha tumaas nanaman kasi yung hormonal level ko kagabi at na high blood ako…buti na lang masarap yung nakain kong spanish sardines kanina medyo humupa ang pag-iinit ko.

Sa araw araw na dumaan at sa pananaliksik ko sa pangyayari sa buhay buhay…my mga iilan akong nais na ishare sa inyo. Baka isipin nyo nag-eemo nanaman ako at my pagkaseryoso ang blog na to…hmmm sabihin na lng natin na ang mga taong komedyante raw pag may time nagseseryoso din..chosss!

Quotable Quotes:

1. “Matatagpuan mo ang tunay na kaligayahan kung bibitawan mo ang nag-iisang dahilan kung bakit ka nasasaktan.

Uu teh ang sakit eh…kung tao lang ung elevator baka nabalibag ko na yun sa sakit na naidulot nya skin. Isipin mo pagpasok ko eh biglang nagsara at inipit ang paa ko…pineste talaga ko pasalamat siya matanda pa sya skin at dko sya sinira sa galit ko. Sasaya talaga ko makaganti lang ako sa lintik na elevator na yun eh pero “pasa” ung iniwang alaala nya badtrip! Pero mga tsong…ang susi raw sa kaligayahan eh ang pagbitaw sa kalungkutan kaya wag laging emotero.

2. “Hindi lahat ng sumusuko ay MAHINA at TALUNAN…may mga bagay at tao lang talaga na dapat ng sukuan para hindi ka na masaktan.

Charrr! Red bull lang katapat nyan ineng kng feeling mo nghihina kana..o kaya gayahin mo c Pacman na tumitira lagi ng alaxan wag ka lang mag-aadik. Parang tae lang din yan na ayaw lumabas kahit anung ire mo…tipong labas na lahat ng ugat mo sa katawan pero ayaw pa rin lumabas ng lecheng jebs na yan…pero what to do…sukuan mo naman tsong at maawa ka sa pwet mong puro almoranas na hehehe. Ang sakit eh aasss iinnnn!

3. “Ang katotohanan ay katumbas ng isang pagkain na ayaw mo mang kainin pero kailangan.”

OO sukang suka talaga ko sa amapalaya na yan..laging my isang basong tubig para sa isang kutsarang gulay. Amapalaya gusto ko vaket bitter ako teh! hehehe! l

4. “Mahirap panghawakan ang salita…lalo na kung hindi magkatugma ang sinasabi sa ginagawa.

Ikaw na ang martyr at engot kung naniniwala ka pa rin sa manloloko at sinungaling mong jowa! hahaha may pinanghuhugutan teh? Wala naman pero ang korona ng ka-TANGAHAN iyong iyo na! Susme kang bata ka sa dami ng lalake at babae sa mundo nagtitiis ka sa ganyang tao…sana pinili mo na lang ung pipi at bingi malamang sumaya ka pa at walang konsemisyon.

5. “Yung mga lalakeng feeling gwapo, ang sarap hampasin ng fluorescent light para maliwanagan.

hahahaha! Malas mo tsong kasi nasabihan kita nito..papano ininit mo ang ulo ko alam mong nakainom ako eh. Wag ganun pre…nababading ka nanaman eh hehe! Mga parekoy, kung feeling nyo kagwapuhan kayo aba dalhin ng maayos yan wag masyadong heavy ah…gawin mong light…oo light, kasi tatamaan ka ng fluorescent light sa akin kaya wag masyadong feeler!

6. “Kapag mahal mo ang isang tao darating sa punto na kahit ilang beses ka na niyang saktan, ikaw pa rin ang mahihirapang mang-iwan.

Paksyet to! bakit nga ba ganto minsan? Di ko rin alam eh pero tumagos sa akin to. Sabi nga kasi nila, pag nagmamahal ka wag all out..magtira ka para sa sarili mo para in case of emergency hndi ka naka-NGANGA!

7. “Ang hirap sa ibang tao, porke’t alam nilang hindi mo sila kayang iwan kung itrato ka kala nila hindi ka nasasaktan.

Lintik ang MANHID mo tsong!!! Nadaganan kaba ng sampung bloke ng ice at wala ka ng pakialam sa nararamdaman ng iba? Baka gusto mong injectionan kita ng general anesthesia tapos habang buhay ka ng manhid hehe. Hindi lahat ng tao pare-pareho, kaya dapat maging sensitive ka rin sa mga tao sa paligid mo..hinay hinay at baka bumalik sayo!

8. “Sa bawat isang sinasagot, may isang malulungkot. Sa bawat isang iniiwan, may isang natatagpuan.

Para kang tumaya sa lotto nito, pipili ka ng anim na numero tapos paguwi sa bahay eh uumpisahan mo na ang padasal gabi-gabi na sana makachamba at tumama ka! Aalayan mo pa yan ng manok sabay magpapausok sa sobrang pagka desperada mo. OO may tama kana sa utak kung sakaling hindi mo makuha eh mag-suicide ka na! Hindi maiiwasan sa buhay na mangyayari sayo to pero lagi mong tatandaan na habang may buhay may pag-asa, darating din ang para sayo sa tamang panahon kaya pag may time smile smile ka din hihi.

9. “Mas ok na yung nasasaktan ka nang dahil sa katotohanan kaysa sa masaya ka nang dahil sa kasinungalingan.

Mamatay na ang lahat ng sinungaling hahaha! Dapat sanyo sinisilya electrica eh para maramdaman nyo ung sakit. Isipin mo na lang na hindi ka mabubuhay ng masaya kung binabalot ka ng kasinungalingan…pag my time ka makonsensya ka din tapos samahan kita sa simbahan para mangumpisal…o kung gusto mo magpaparty ako sa lamay mong hayup ka!lol

10. “Kapag bumitiw ka, siguraduhin mo na hindi ka masasaktan kapag may humawak ng iba.

Ang sarap tumikim ng iba’t ibang ulam..pero tandaan mo iba iba rin ang lasa nyan. Masasabi ko na lang “yan ang paglaway mo ngayon leche ka!” hahaha

11. “Kapag bihira na siya magparamdam o mangamusta..ganun talaga pag hindi ka na mahalaga.

hahaha baka patay na teh! Sarap ibaon ng mga to sa hukay ng buhay eh…nandyan lang kasi sila pag kailngan ka lalo na pag bored…nyeta di ka naman laruan para pansinin lang pag trip nila, tao ka kaya subukan mong wasakin ung mukha nyan para may kwenta yang maskels mo hihihihi!

12. “Makuntento kana sa mahal mo kahit alam mong maraming hihigit sa kanya, dahil marami din namang mas hihigit sayo ikaw ang pinili niya.

Buhusan kaya kita ng kumukulong tubig para matigil yang kalibugan mo! hahaha! Ayusin mo yang buhay mo tsong bago ko tapusin yan! lol

13. “Hindi ako manghihinayang sa taong ako mismo ang sinayang.

Yang ang confidence teh..gora mo lang! Keribels lang yan at maraming nag-aabang sa pagiging single mo. Aba sa itsura mong yan at sa bait mong yan sigurado akong pipila sila sayo…at yang mga nang-iwan sayo??? hahaha madedehydrate yan sa paglalaway!

14. “Kung naging tanga sya sa pang-iiwan sayo…maging matalino ka na hayaan syang lisanin ka.

ka girl dahil hindi pa katapusan ng mundo. Sige lang iiyak mo lang yan at hayaang syamg maglaho sa buhay mo. Magpasalamat ka na iniwan ka niya, ibig sabhin may darating na mas hihigit pa sa kanya. Manalig ka teh, sabay na ting ipanata yan hehe.

15. “Mas mabuti na ang simpleng inspirasyon, kesa sa konsumisyon sa magulong relasyon.

Petiks petiks muna sa lablayp te..chill lang! Mas bet ko ngayon yung kilig kilig lang mas msarap sa pakiramdam..kasi yang committment sakit sa ulo yan. Minsan try mo din na mag-isa muna ung walang relasyon kasi mas masaya sya, at mas makikilala mo yung sarili mo… pramis tataas pa ang self-esteem mo. Pag agawa mo yan..libre kita ng ice cream hehe!

Yan lang naman ang mga simpleng banat ni Jhonman Supladong Antipatiko sa ngayon. Di halatang may pinagdadaanan hehe! Sa mga quotes na yan mas lalo tayong naging matapang na harapin yung bukas na mag-isa…sus di naman kailangan lagi kang may kasama para pasiyahin ka, magagawa mo rin at matuto kang pasayahin ang sarili mo sa mga simpleng bagay. Konting dasal pa teh at ang walang hanggang kasiyahan na inaasam mo mapapasayo rin. Pasensya na kayo sa blog na to, sa dami ng kapenginiinom ko na hyper ako masayado at parag lahat nararamdaman ko eh nailabas ko…nailabas ko nga ba? hahaha mamaya palalabasin ko pag may oras pa.

Para sa mga feeler na akala nyo nasa inyo na ang lahat :

Para sa mga Tanga at Martyr:

“Habang patuloy kang umaasa sa isang bagay na imposible, araw-araw mo lang masasaktan ang sarili mo.”

Para sa mga nagising na sa pagiging Tanga:

“Kaya ko pa naman talagang ipaglaban, ayoko lang ipagpilitan. Mahirap kasi magtanga-tangahan para sa taong hindi naman ako pinahahalagahan.”

P.S
D
edicated sa mga friends kong _ _ _ _ _ at gumana na ang utak gaya ko!

Miyerkules, Disyembre 30, 2015

Bagong Taon Ng Mga Pinoy


     Isa na siguro ang Pilipinas sa may pinakamaraming tradisyon na pinaniniwalaan tuwing papasok ang Bagong Taon, bagamat ang iba ay hango sa tradisyon ng ibang kultura ay di pa rin maikakaila na karamihan dito ay tunay na kulturang Pinoy. Ang Bagong Taon ay maituturing na pangalawang bahagi ng kapaskuhan ng mga Pilipino at minsan ay kadugtong mismo ito ng isang linggong pagdiriwang ng Pasko. Ngunit ang pagsalubong ng mga Pilipino sa Bagong Taon ay pinagsamang kultura ng mga Tsino at ng mga Espanyol at sinamahan na ng pagbabago ng sistemang Pilipino na siyang bumuo ng masaya, maingay at minsan pa nga ay ang mapanganib na pagdiriwang nito. Sadyang ang Pilipinas ay namumukod tangi at kakaiba kumpara sa ibang bansa pagdating sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Ipinagdiriwang natin ang pagsalubong sa pagpasok ng Bagong Taon ng napakakulay at may napakasayang pamamaraan. Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa mga manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa o Overseas Filipino Workers (OFW) ang tunay na nalulungkot kung hindi nila maipagdiwang ang Bagong Taon sa sariling bayan. Talaga naman kasing namumukod tangi at kakaiba ang pagsalubong nating mga Pilipino sa Bagong Taon kumpara sa ibang bansa.

     Kilala tayong mga Pilipino sa pagkakaroon ng napakaraming paniniwala at tradisyon tuwing sasalubungin natin ang Bagong Taon. Isang paraan nito ay ang  pagpapasabog ng paputok. Kung sa ibang bansa ang pagpapaputok ay ginagawa lamang ng kanilang kumpanya o di naman kaya ay ng kanilang pamahalaang lokal, dito sa Pilipinas ay kanya-kanyang paputok at fireworks ang bawat tahanan. Ugali na rin ng mga tipikal na Pilipino ang pagpapaputok ilang araw bago sumapit ang Bagong Taon. Makakakita ka rin sa mga bangketa ng mga naglipanang paputok na mayroong iba’t-ibang klase. Mga halimbawa nito ay rebentador, super lolo, super pla-pla, trianggulo (hugis tatsulok na paputok), bawang, sinturon hi hudas, jumbo fountain, whistle bomb, lusis goodbye philippines, goodbye columbia, syempre ang bagong paputok na malakas ay ang Aldub at iba pa. Medyo mapanganib lamang sa mga lansangan sa Pilipinas dahil sa mga paputok na inihahagis ng mga taong mahilig dito o di naman kaya ay aksidenteng bumabagsak sa mga bahay. Ito ang dahilan kung bakit ipinagbawal ng pamahalaan ang pagbebenta at paggamit ng mga paputok na sobra ang lakas. Sinimulan din ng mga workers ng Department of Health at lokal na sangay ang OPLAN PAPUTOK na naglalayong magbantay para magbigay gamot sa mga naputukan sa pagdiriwang. Ang pinakamalaking industrya sa larangan ng mga paputok sa Pilipinas ay matatagpuan sa Bocaue at Santa Maria Bulacan, sa kanila kumukuha ng pangangailangan ng mga paputok dito sa Pilipinas.

            Meron pang isang kaugalian na hindi pwedeng mawala sa mga Pilipino tuwing Bagong Taon, at iyon ay ang pagkakaroon ng Media Noche. Ang Media Noche ay ang pagsasalo-salo ng mag-anak sa hapag kainan pagsapit ng alas-dose ng hating gabi. Importante dito na kasama ang bawat kasapi ng pamilya dahil sa ito ang unang pagkain nila sa bagong taon.  Ayon sa paniniwala ng mga matatanda, kapag sama-sama ang pamilya sa Media Noche ay magiging matatag din ang kanilang samahan sa buong taon. Pinaniniwalaan din ng mga Pilipino na ang Media Noche ay tulad ng Noche Buena na nagmula sa mga Kastila.
            .
     Kung pag-uusapan naman ang mga paniniwala at gawi sa pagsalubong sa Bagong Taon ay tiyak na nangunguna tayong mga Pilipino. Maraming mga tradisyon ang mga Pilipino dahil sa paniniwalang ang mga ito ay makapagbibigay swerte sa mga susunod dito. Naniniwala rin ang mga Pilipino na wala namang mawawala kung susubukan man ang ilan sa mga ito. Narito ang ilan sa mga paniniwala, gawi at tradisyon na popular sa mga Pilipino tuwing sasalubungin ang Bagong Taon. Pinakauna dito ay ang pag-iingay tuwing Bagong Taon, ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpapaputok, paghihip sa torotot o maging pagpalo sa mga kaldero. Ang paniniwalang ito ay nagmula pa sa mga Intsik, patuloy pa rin itong isinasagawa magpa sa hanggang ngayon dahil sa paniniwalang makapagpapaalis ito ng mga masasamang elemento at espiritu na nasa kapaligiran at naniniwala rin ang mga Pilipino na ang pag-iingay ang makapagbibigay sagana sa Bagong Taon ng pamilya. Isa pa sa mga pinakasikat na tradisyon ng mga Pilipino ay ang paglalagay ng sensilyo o barya sa bulsa dahil sa paniniwalang masagana ang pasok ng pera para sa Bagong Taon. Sinasabi rin na kailangang buksan ang lahat ng bintana, ilaw at pintuan para ang lahat ng grasya ay pumasok sa iyong tahanan gaya ng pagtanggap sa Bagong Taon. Ang iba naman ay naniniwala na dapat magsuot ng polka dots dahil ito raw ay sumisimbolo sa pera. Ang iba pang mga paniniwala ay ang pagtatabi ng bigas, asin at asukal upang maging masagana ang takbo ng buhay; paglilinis ng mabuti sa tahanan bago sumapit ang hating gabi; pagluluto ng mga pagkaing ginagamitan ng pasta dahil sa paniniwalang nakapagpapahaba daw ito ng buhay; paghahanda ng labindalawang bilog na prutas sa hapag-kainan gaya ng cantaloupe, ubas, peach, orange, plum, promenade, pakwan, lemon, pear, apple, chico, at avocado; pagkain ng labindalawang ubas pagsapit ng ika-alas dose para suwertehin sa buong taon; pagbabayad sa lahat ng mga pinagkakautangan bago pumasok ang Bagong Taon at ang pagtalon ng paulit-ulit pagsapit ng alas-dose para madagdagan ang taas.

    Ang mga paputok at lusis ay sinisindihan bago sumapit ang hatinggabi bilang tatak ng pagsalubong sa bagong kalendaryo ng taon. Ang mga Pinoy ay naniniwala na ang ingay ay nagtataboy ng masamang espiritu, gayun din ang paggamit ng kahit na anong kasangkapan  upang gumawa ng ingay; mula torotot, o palangganang metal ay maaaring gamitin upang lumikha ng mas maraming ingay. Ang mga Pinoy ay naniniwala na mas mabuti kung mas malakas ang ingay.

    Ang mga bata ay pinapayuhan na tumalon ng sampung beses sa pagsapit ng hatinggabi upang maging mas mataas ang mga ito. Ang pinaka popular na pananamit ay ang ‘polka dots’. Ang hugis bilog ay nangangahulugan ng pera, at pinaniniwalaan na ang pagsuot ng  polka dots ay magdadala ng pera sa tagapagsuot nito

    At ang pinakahihintay ng lahat ng pamilyang Pilipino, ang COUNTDOWN. Ang countdown para sa Bagong Taon ay magkakaiba batay sa bawat pamilya o bawat rehiyon. Sa pagpatak ng alas-dose ng hatinggabi, ang ingay ay nakakabingi, kililing ng mga kampana, mga paputok na naghahari sa kalangitan, mga bata ay napapanganga sa paghanga sa kanilang nakikitang iba’t ibang paputok na namumukadkad sa kalangitan. Ang kalampag at kalantog ay tumataas hanggang sukdulan kung saan ay kasali na rito ang mga bumabatingting ng mga lumang palayok at kawali, busina ng jeep, kotse o motorsiklo, sirena ng ambulansya hanggang mag-isang minuto para sa countdown ng Bagong Taon. Isa rin sa mga paboritong gawin ng mga bata ay ang pagtalon ng labindalawang beses para sila tumangkad sa darating na taon, kung mataas ang talon ay magiging mataas rin ang iyong paglaki. Ang malakas na ingay sa kasayahan ay hind ilang para sa pagdiwang sa Bagong Taon, ito rin ay para sa pagpapa-alis sa mga masasamang espiritu. Bandang 12:15 ng hatinggabi, ang ingay ay biglang humihinto at ang mga agay-agay ay puno ng mga boses at ang mga pamilya ay nagsisimula ng kumain ng kanilag handa para ipakita ang pagpapasalamat na kung tawagin ay “Media Noche”. Pinapaniwalaan na dapat maghanda ng maraming pagkain sa hapag kainan para sa susunod na Bagong Taon ay magkaroon ng pagkain sa buong taon. Labindalawang bilog na mga prutas na dapat nasa hapag kainan dahil ito ay sumisimbulo sa kasaganahan para sa susunod na labindalawang buwan. Mayroon din misa sa hatinggabi para sa pagtanggap sa Bagong Taon at para pasalamatan ang Diyos sa lahat ng kanyang mga biyaya.

            Mayroon ding sikat na pagdiriwang ang mga Pilipino tuwing Bagong Taon, ito ay ang Pista ng Tatlong Hari (Tres Reyes), kilala rin ito sa tawag na Pista ng Epipanya. Ang Pista ng Tatlong Hari ay tradisyunal na ipinagdiriwang sa Enero 6 pero ngayon ito ay  ipinagdiriwang na sa unang lingo pagkatapos ng Bagong Taon. Sa loob ng daan-daang taon ay sinasabing ang Tatlong Hari at hindi ang kinikilalang si Santa Claus ang orihinal na nagbibigay ng regalo sa mga bata. Nag-iiwan sila ng mga medyas at sapatos sa bintana ng kanilang tahanan at sabik na naghihintay sa mga regalong ibibigay ng Tatlong Hari sa kanilang pagdaan tungo sa Bethlehem. Maraming dekada na ang nagdaan simula nang mag-organisa ang Casino Español ng parada ng Tatlong Hari upang ipagdiwang ang naturang selebrasyon. Ang mga gumaganap sa papel na Tatlong Hari ay may magagarang kasuotan na nakasakay sa mga kabayo habang pumaparada. May mga regalong nakahanda para sa mga kabataan na ipinamimigay sa komunidad ng mga Espanyol at sa iba pang mga bata pagkatapos ng magarang parada.

Biyernes, Disyembre 18, 2015

Pagkasira ng Sierra Madre, sanhi ng matinding baha sa Nueva Ecija?











Nakalipas ang ilang taon, ngayon lang nakaranas ng matinding pagbaha ang lalawigan ng Nueva Ecija. Iba't-ibang bagyo na ang nagdaan subalit nito lamang December 15, 2015, hindi man direktang tinamaan ang lalawigan, ay nakaranas ito ng matinding pagbugso ng tubig ulan.
Maraming nagsasabi na sanhi ito ng pabago-bagong panahon at pagkasira ng kalikasan. Sa ilang report ay sinasabing unti-unti na ngang nasisira ang Sierra Madre na inaasahang tutulong sa paghupa ng tubig ulan.
Dahil sa iba't-ibang developments, ay unti-unti na ring nasisira ang ating kalikasan. Mula sa ulat sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines news site, hinihikayat ng Save Sierra Madre Network Alliance ang gobyerno na protektahan ang Sierra Madre laban sa mga "developmental projects".
"We call on the government to stand up against those who are blinded by greed and do not see the Sierra Madre Mountain as a mother who also needs to be nourished” wika ni Fr. Pete Montallana, Director ng Save Sierra Madre Network Alliance.
 
 

Miyerkules, Mayo 27, 2015

Pinoy Street Food


Street food are food that are sold at street by food peddlers these could be a hawker using bilaos carried on top of their heads, bamboo basket, push carts, bicycles or those two metal containers balanced on bamboo poles on their shoulders and all types of improvised portable containers to carry their merchandise or side walk vendors from a makeshift or portable stall and side walk eateries. It also includes pasalubong of various native delicacies peddled at airport, seaport, bus or jeepney terminals.
Most street food is sold as barbecue, fried, boiled or steamed ect. These are usually finger food, snack, fast food or even fruits and drinks. They are most often exotic but they are also an adaptation of western food or any foreign food. There is a wide array of street foods categories from candies and nuts to quick snacks and refreshments and even to a full selection of viands or meals.
Pinoy street food names have been evolving thru the times and base on locality they are mostly coined after a similar food item or similar things around us.
Street food are delectable, convenient, practical and best of all economical. Because of their popularity especially today’s hard times and the escalating prices of basic food, street food has now become part the Pinoy cuisine.
The health awareness and quality of street foods have now improved significantly because most of us have now learned the importance of proper food preparation cleanliness and hygiene. New innovation of food preparation and availability disposable food utensils and food packaging play also a very important rule in the improvement of the quality. Of course it is still best to be wary of all times always check the cleanliness, source and method of preparation especially foods that are actually peddled or sold at dirty side streets. Street food have now find their presence in air-condition malls. They now thrive in most supermarkets and mall’s hallways in eye-catching food kiosks or food stands.
The following list is a collection of Pinoy Street Food that are common, it also include some popular regional street food from the Provinces.

Adidas – Barbecued chicken feet in bamboo skewer. Chicken feet are pre-cooked adobo-style. The name originates from a popular branded athletic shoe “Adidas”.

Adobong Mani – Deep fried peanuts with garlic and seasoned with salt. It is named adobo because of the addition of garlic to the oil use in frying the peanuts. See also pritong mani.

Arroz Caldo – Rice chicken porridge or congee. Boiled glutinous and/or normal rice with chicken sautéed in ginger and kasubha for the yellowish tint See also lugaw.

Atay – Barbecued chicken liver in bamboo skewer. Chicken liver are pre-cooked adobo-style.
Baga, Fried Bopis– Deep fried pig’s or cow’s lungs. Pre-cooked adobo-style cubed pig’s or cow’s lungs and deep fried, serve with vinegar, onion and chili dip.

Balat ng manok – Crispy deep fried battered chicken skin. Similar to fried chicken but only the skin is used. See also chicken skin.

Balun-balunan – Barbecued chicken gizzard in bamboo skewer. Chicken liver are marinated or pre-cooked adobo-style.

Balut – Boiled fertilized duck egg (with fetus).

Banana que – Deep fried banana (saba variety) coated with caramelized sugar served in bamboo skewer. The name was coined on the basis that it is skewed similar to barbecue.

Barbecue – Grilled pork in bamboo skewers. Pork pieces marinated with soy sauce, kalamansi (lemon) juice and crushed garlic grilled in bamboo skewer.

Batchoy – Ilongo mami noodle soup made up of pork, chicken and/or beef broth topped with strips of boiled pork offal, chicken and vegetables and garnished with crushed pork cracklings. Origin traces to La Paz, Iloilo.

Betamax – Barbecued cubed coagulated chicken blood in bamboo skewer. Chicken blood is pre-cooked to form a firm block of coagulated blood and cut into smaller cube or sqares. It is named after the betamax tape a video storage device which was popular before the coming of VSH and CD the block of coagulated blood resembles the shape of the betamax tape.

Bibingka – Rice flour cake baked with charcoal fire placed both under and on top in banana leaves lined-molds.

Biko – Rice cake made up of glutinous rice cooked in coconut milk and sugar topped with latik (toasted coconut milk).

Binatog – Boiled white corn kernels seasoned with salt and/or topped with sugar, grated coconut meat and/or butter or margarine.

Bituka ng Manok – Barbecued chicken intestines in bamboo skewer. The intestines are marinated or pre-cooked adobo-style. See IUD and isaw.

Buko Pie – Bake pie with filling made up of buko (young coconut) meat, milk, sugar and cooked in coconut water and thickened with cornstarch.

Buko Juice – Young coconut water with scraped or shredded meat drink freshly serve strait from the nut or from a plastic container with ice. See also palamig, sa malamig.

Calamares – Battered deep fried squid rings and serve with vinegar, onion and chili dip.

Calamay – Glutinous rice cake or jam made up ground glutinous rice, cane sugar and coconut milk.

Carioca – Deep fried bilo-bilo (ball made up glutinous rice dough) coated with caramelized sugar served in bamboo skewer.

Casoy – Deep fried cashew nuts with garlic and seasoned with salt.

Castanas – Roasted chestnut

Cheese sticks – Deep fried cheese strips wrapped in spring roll wrapper.

Chichacorn – Crispy corn kernels, Boiled corn kernels boiled and sun dried and refried with garlic and seasoned with salt. See also cornik.

Chicharon Baboy – Pork rind cracklings. Made up of pork rind boiled with seasoning and sun-dried before deep frying serve with vinegar, onion and chili dip.

Chicharon Bituka ng Baboy – Pork isaw cracklings. Made up of pork isaw boiled with seasoning and sun-dried before deep frying. Name is derive from the flowerlike shape of the isaw after frying serve with vinegar, onion and chili dip. See also chicharon bulaklak.

Chicharon Bituka ng Manok – Chicken isaw (intestine) cracklings. Made up of chiken intestines boiled with seasoning and sun-dried before deep frying serve with vinegar, onion and chili dip.

Chicharon Bulaklak – Pork isaw cracklings. Made up of pork isaw boiled with seasoning and sun-dried before deep frying. Name is derive from the flowerlike shape of the isaw after frying serve with vinegar, onion and chili dip. See also chicharon bituka ng baboy.

Chicharon Balat ng Manok – Chicken skin cracklings. Made up of chicken skin boiled with seasoning and sun-dried before deep frying. serve with vinegar, onion and chili dip.

Chicken Skin – Crispy deep fried battered chicken skin. Similar to fried chicken but only the skin is used. See also balat ng manok.

Cotton Candy – Flavoured candy fibre spanned in a bamboo stick into a big cotton like ball by a candy maker with a mechanical spinner.

Corazon – Barbecued chicken hearth in bamboo skewer. Chicken heart are pre-cooked adobo-style. Corazon means hearth in Spanish thus the name.

Cornik – Crispy corn kernels, Boiled corn kernels boiled and sun dried and refried with garlic and seasoned with salt. See also chichacorn.

Day-old – Deep fried day old chicken chicks. Literally one day old chicken chicks are crispy deep fried, serve with vinegar, onion and chili dip.

Dila-dila – Boiled rice patty made up of galapong (glutinous rice flour dough) served topped with sugar, grated coconut and/or toasted linga (sesame seads). Literally means tongue like. See also palitaw.

Dirty Ice Cream – Homemade ice cream peddled in the streets in colourful pushcarts. Prepared by traditional method using ice with salt as a freezing medium. The usual choice of Pinoy flavours are vanilla, cheese, mango, ube and chocolate. See also sorbetes .

Fishballs – Deep fried balls made up of fish meat, served in bamboo skewers with a sweet and sour or spicy sauce dip or with vinegar, onion and chili dip.

Growers – roasted peanuts seasoned with salt or unsalted.

Goto – Rice and beef tripe porridge or congee. Boiled glutinous and/or normal rice and beef tripe with ginger and kasubha for the yellowish tint. Serve with tokwa’t baboy or vegetable spring rolls.

Halo-halo – Assorted sweetened fruits and beans, jams and flavored gelatin with evaporated milk, sugar and sheaved ice topped with ice cream and/or leche flan (egg custard). Literally means “a mix of many things” or “an assortment,”

Helmet, Head – Barbecued chicken head in bamboo skewer. Chicken heads are marinated or precooked adobo-style. The name’s origin actually refers to the logo of the popular branded apparel “Head” and others referred it to a “helmet.” See also ulo ng manok.

Hepalog – Deep fried battered boiled chicken egg. See also kwek-kwek.

Hotdog – Hotdog on stick charcoal grilled in bamboo skewers baste with banana ketchup.

Ice Buko – Ice candy made from a solution made up of buko (young coconut) water shredded meat with milk and sweetened with sugar. See also ice candy.

Ice Candy – Popsicle in tube plastic bags made usually from a solution of fruit puree and shreds of the fruit meat with milk and sweetened with sugar example would be ice buko. The flavour defends on the availability the target market from a medley of halo-halo sweetened fruits, sweetened red beans, and fruit juices to food colourings and flavouring essences.

Ice Cream Sandwich – Milk bread buns with sorbetes (Dirty ice cream) filling.

Inasal na Manok – Ilongo chicken barbecue. Barbequed chicken in bamboo skewer made of selection of chicken cuts or parts marinated in vinegar, tanglad (lemongrass) and ginger. Paa (whole leg), pecho (breast), pakpak (wings), isol (tail), atay (liver) and baticolon (gizzard).

Inihaw na Saging – Grilled banana (saba variety) with peel in bamboo skewer.

Inihaw na Mais – Grilled corn in cob and in bamboo skewer.

Isaw ng Manok – Barbecued chicken intestines in bamboo skewer. The intestines are marinated or pre-cooked adobo-style. See also IUD,

Isaw ng Baboy – Deep fried or barbecued pork intestines in bamboo skewer. Pork intestines are pre-cooked adobo-style. Served with sweet, sour or spicy sauce.

Iskrambol – Flavored frostee/shake made up of shaved ice with sago (tapioca balls) and condensed or powdered milk mixed using a mechanical hand mixer into frostee topped with chocolate syrup. See also scrambol.

IUD – Barbecued chicken intestines in bamboo skewer. The intestines are marinated or pre-cooked adobo-style. The chicken isaw (intestine) when skewed resembles the IUD a type of contraceptive device, hence the name. See also isaw.

Kakanin – A collective term for snacks made with rice, cassava or any other grain and root crops like biko or sinukmani, bibingka, suman, puto, kutsinta, calamay, sapin-sapin, , palitaw, pitchi-pichi and many others.

Kamote que – Deep fried kamote (sweet potato) coated with caramelized sugar served in bamboo skewer. The name was coined on the basis that it is skewed similar to barbecue.

Kanto-ky – Crispy breaded fried chicken similar to the popular KFC fried chicken. “Kanto” literally means corner thus KFC fried chicken sold at street corners.

Kikiam – Finger patty made up of ground pork and vegetables or for seafood-based, usually made of fish meat and cuttlefish wrapped in bean curd sheets, deep-fried and served in bamboo skewer with sweet, sour or spicy sauce.

Kutsinta – Steamed rice cake similar to puto but the dough is made up of powder from boiled gelatinous rice with lye and brown sugar and steamed in cup cake moulds.

Kwek-kwek – Deep fried battered boiled chicken egg. Hard boiled chicken eggs are coated with orange tinted batter made up of flour then deep fried and serve with vinegar, onion and chili dip.

Lomi – Thick egg noodles noodle soup with pork, chicken, shrimp, fish ball and kikiam with vegetables in broth/sauce thickened with beaten egg.

Lugaw – Rice porridge or congee. Made up of boiled rice seasoned with salt and pepper and kasubha for the yellowish tint usually topped with boiled egg. Serve with tokwa’t baboy or vegetable spring rolls.

Mais con Hielo – Boiled sweet corn kernels with evaporated milk, sugar in sheaved ice.

Mami − Noodle soup in pork, beef and or chicken broth topped with either shredded chicken, braised beef or pork, wonton dumplings.

Manggang Hilaw – Fresh green mango served with bagoong alamang (fermented salted kril) or salt.

Maruya – Banana fritter.

Melon, Cantaloupe Juice – Drink made up from freshly shredded melon meat in water and sugar solution drink from a plastic container with ice. See also palamig, sa malamig.

Nilagang Itlog – Hard boiled egg sold at bus terminals.

Nilagang Mais – Boiled sweet corn in cob and husk. Serve with butter or margarine.

Nilagang Mani – Boiled peanuts with husk/shell intack.

Paa ng Manok – Barbecued chicken feet in bamboo skewer. Chicken feet are pre-cooked adobo-style. See also adidas

Palamig, Samalamig – Literally means coolers. A collective term for flavored cold drinks serve from a plastic container with ice like sago at gulaman a caramel flavored tapioca balls and gelatin cold drink, buko juice young coconut water with scraped or shredded meat drink melon juice a drink made up from freshly shredded melon meat in water and sugar solution and many others.

Palitaw – Boiled rice patty made up of galapong (glutinous rice flour dough) served with sugar, grated coconut and/or toasted linga (sesame seads). Literally means cook in boiling water until it float. See also dila-dila.

Pandesal – Pinoy breakfast roll, peddled in the streets the wee hours of morning.

Pansit Batil Patung – Tuguegarao local noodles made up sautéed bihon and canton (rice and egg) noodles with garlic and ginger topped hot dogs, chicharon, ground meat, fried egg, and vegetables.

Pansit Habhab – Lucban miki miki noodles served on and eaten straight from banana leaf serve with vinegar or kalamasi (lemon).

Penoy – Boiled fertilized duck egg (with out fetus).

Pina – Fresh pineapple sold in pushcart and peeled by the peddler upon purchase. The eyes of the fruit are carved out forming a spiral canals swirling up the fruit to save the meat as much as possible. Also sold in slices.

Pritong Mani – Deep fried peanuts with garlic and seasoned with salt. See also adobong mani.

Proben – Barbecued chicken proven in bamboo skewer. Chicken proven are marinated or pre-cooked adobo-style. Proven (short for proventiculus) is the soft portion of the chicken guts where digested foods passes thru.

Pusit – Grilled sun dried squid in skewer.

Puto – Steamed rice cake made up of rice flour and steamed in cup cake moulds.

Puto Bumbong –Steamed in bamboo tube rice cake. Made up of ground pirurutong (dark colored glutinous rice) molded and steamed in bamboo tube served with sugar and grated coconut.

Saging con Hielo – Boiled in sugar chopped banana (saba variety) with evaporated milk, sugar in sheaved ice.

Sago at Gulaman – Caramel flavored tapioca balls and gelatin cold drink.

Santol Fresh santol sold in pushcart and peeled by the peddler upon purchase. Serve with salt or soaked in vinegar water solution.

Sapin-sapin – Multi colour layered glutinous rice flour cake usually topped with grated coconut and latik (toasted coconut milk residue). Layer are composed rice cake flavoured with ube (purple yam), macapuno (coconut sport), langka (jackfruit) and kutsinta.

Scrambol – Flavored frostee/shake made up of shaved ice with sago (tapioca balls) and condensed or powdered milk mixed using a mechanical hand mixer into frostee topped with chocolate syrup. See also iskrambol.

Singkamas – Fresh singkamas served with bagoong alamang (fermented salted kril) or salt.

Sinukmani – Laguna version of the traditional rice cake made up of glutinous rice cooked in coconut milk and sugar topped with latik (toasted coconut milk). See also biko.

Siomai – Steamed dumpling with pork and/or shrimp filling serve with fried chili flakes, soy sauce and kalamansi juice dip .

Siopao – Steamed bun stuffed with braised meat or meat ball with or without boiled egg.

Sitsaron – Pork rind racklings. Made up of pork rind boiled with seasoning and sun-dried before deep frying serve with vinegar, onion and chili dip. Chicken and beef skin or pork and chicken intestine are also used. See also chicharon.

Sorbetes – Homemade ice cream peddled in the streets in colourful pushcarts. Prepared by traditional method using ice with salt as a freezing medium. The usual choice of Pinoy flavours are vanilla, cheese, mango, ube and chocolate. See also dirty ice cream.

Squid balls – Deep fried balls made up of squid or cuttlefish meat, served in bamboo skewers with a sweet and sour or spicy sauce dip or with vinegar, onion and chili dip.

Suha – Fresh grapefruit sold in pushcart and peeled by the peddler upon purchase. Serve with salt and/or vinegar.

Suman – Steamed rice cake roll made up of glutinous rice cooked in coconut milk and sugar rolled in banana or coconut leaves.

Taho – Silken tofu serve with sago (tapioca balls) and arnibal (caramel flavoured syrup). Starwberry taho of Baguio City

Tenga ng Baboy – Barbecued cubed pig’s ears and face in bamboo skewer. Cubed or squared pig’s ears and face are pre-cooked adobo-style. See also Walkman.

Tokneneng – Is a smaller version of kwek-kwek, it uses quail eggs instead.

Tupig, Itemtem – Grilled rice cake roll made up of ground glutinous rice, grated young coconut meat, coconut milk and brown sugar rolled in banana leaves. Sold in the streets of Pangasinan, Ilocos and Isabela,

Turon – Fried banana roll. Made up of sliced ripe banana (saba variety) rolled in wrapper made up of flour and egg white. Special versions are additionally filled with strips of sweetened langka (jack fruit) and or buko (coconut sport) strips and even coated with caramelized sugar.

Ukoy – Shrimp fritter. Made up of small shrimp in flour or cornstarch batter garnished with onion and/or spring onion, fried until crisp serve with vinegar, garlic and onion dip.

Ulo ng Manok – Barbecued chicken head in bamboo skewer. Chicken heads are marinated or precooked adobo-style. See helmet, head.

Vigan Empanada Made up of folded thin flat crust of freshly-rolled galapong (rice flour dough), filled with a mixture of vegetables topped with Vigan longganisa and an egg folded to form a shell shaped like a crescent. Deep fried until crisp in a wok serve immediately with vinegar, onion and chili dip.

Walkman – Barbecued cubed pig’s ears and face in bamboo skewer. Cubed or squared pig’s ears and face are pre-cooked adobo-style. The name originates from a popular audio/music device/player “Walkman”.

Yema – A traditional sweet milk/egg jam made up of boiled condensed milk with egg yolk and flavored with vanilla wrap with colored cellophane in little pyramid cone. It is also made into balls coated with sugar.

Huwebes, Disyembre 18, 2014

Maligayang Pasko

bagong panahon sa makabagong Pamilyang Pilipino sa pagdiriwang ng Pasko...

Anu ang Pasko sa makabagong Pamilyang Pilipino? Paano natin ipinagdiriwang sa panahon ngayon ang Kapaskuhan? hindi pa rin naman nawawala sa mga Pilipino ang nakasanayang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Hindi kumpleto ang Pasko kapag walang handa sa hapag kainan. Hindi rin nawawala ang mga palamuti sa mga tahanan. at ang pagsasama-sama ng mga magkakapamilyang sa araw ng Pasko.

Ang Pasko ay di lang araw ng Kapanganakan ng Poong nilikha, kundi ito ang araw kung saan nagsasama-sama ang magkakaibigan, magkakapamilya saan man sulok ng mundo.

Kahit anu pa ang ginagawa natin o kahit saan man tayo naroroon, ang Kapaskuhan ay araw na isinasantabi natin ang lahat para lang makasama ang mga mahal natin sa buhay. sabi nga minsan lang sa isang taon ang Pasko kaya dapat samantalahin natin ito na makasama ang ating Pamilya.

Ituring din nating Pamilya ang mga taong nakapaligid sa atin...

kaibigan mo,

naging kaaway mo,

dating kasintahang nanakit sa iyo,

at kahit mga simpleng tao na hindi natin nalalaman pero naging bahagi pala sila ng ating buhay.
"isapuso natin ang tunay na diwa ng Pasko."

Martes, Disyembre 9, 2014

Pasko: Noon at Ngayon

NOON: Iniisip kung saan sasamang party.
NGAYON: Iniisip kung bakit nakasali Samahang Malalamig ang Pasko.

NOON: May Santa Claus
NGAYON: Santa Close. gipit eh, walang pera, marami na inaanak.

NOON: Tatakbo ka sa Ninong at Ninang para humingi ng pamasko.
NGAYON: Tatakbuhan mo mga inaanak, kasi ikaw naman ang hinihingian ng pamasko..

NOON: Pinapatulog ng maaga ang mga bata, para magkaroon ng pagkakataon na makalagay ang mga magulang ng regalo sa mga nakasabit na medyas ng mga anak.
NGAYON: Natutulog na lang ng maaga ang mga magulang kasi, may lakad ang mga bata, magdamag na tatambay sa barkada.

NOON: Nagsabit ang mga bata ng makukulay na medyas para malagyan ng kendi..
NGAYON: Kelangan na siguro plastic bag o sako, korni na ang kendi, gusto gadgets.

NOON: Mga gift nakabalot.

NGAYON: Cash na lang po. O kaya deposit na lang sa bank account.

NOON: Ok na ang parol at kunting christmas lights.
NGAYON: Binalot na buong bahay ng palamuti para magmukhang karnabal.

NOON: Isa lang ang Santa Claus
NGAYON: Lahat na Santa Claus, traffic policemen, sales personnel at cashiers sa mall, etc..

NOON: Libre mangarolling
NGAYON: Kuha muna permit sa barangay.