bagong panahon sa makabagong Pamilyang Pilipino sa pagdiriwang ng Pasko...
Anu ang Pasko sa makabagong Pamilyang Pilipino? Paano natin ipinagdiriwang sa panahon ngayon ang Kapaskuhan? hindi pa rin naman nawawala sa mga Pilipino ang nakasanayang pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Hindi kumpleto ang Pasko kapag walang handa sa hapag kainan. Hindi rin nawawala ang mga palamuti sa mga tahanan. at ang pagsasama-sama ng mga magkakapamilyang sa araw ng Pasko.
Ang Pasko ay di lang araw ng Kapanganakan ng Poong nilikha, kundi ito ang araw kung saan nagsasama-sama ang magkakaibigan, magkakapamilya saan man sulok ng mundo.
Kahit anu pa ang ginagawa natin o kahit saan man tayo naroroon, ang Kapaskuhan ay araw na isinasantabi natin ang lahat para lang makasama ang mga mahal natin sa buhay. sabi nga minsan lang sa isang taon ang Pasko kaya dapat samantalahin natin ito na makasama ang ating Pamilya.
Ituring din nating Pamilya ang mga taong nakapaligid sa atin...
kaibigan mo,
naging kaaway mo,
dating kasintahang nanakit sa iyo,
at kahit mga simpleng tao na hindi natin nalalaman pero naging bahagi pala sila ng ating buhay.
"isapuso natin ang tunay na diwa ng Pasko."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento