NOON: Iniisip kung saan sasamang party.
NGAYON: Iniisip kung bakit nakasali Samahang Malalamig ang Pasko.
NOON: May Santa Claus
NGAYON: Santa Close. gipit eh, walang pera, marami na inaanak.
NOON: Tatakbo ka sa Ninong at Ninang para humingi ng pamasko.
NGAYON: Tatakbuhan mo mga inaanak, kasi ikaw naman ang hinihingian ng pamasko..
NOON: Pinapatulog ng maaga ang mga bata, para magkaroon ng pagkakataon na makalagay ang mga magulang ng regalo sa mga nakasabit na medyas ng mga anak.
NGAYON: Natutulog na lang ng maaga ang mga magulang kasi, may lakad ang mga bata, magdamag na tatambay sa barkada.
NOON: Nagsabit ang mga bata ng makukulay na medyas para malagyan ng kendi..
NGAYON: Kelangan na siguro plastic bag o sako, korni na ang kendi, gusto gadgets.
NOON: Mga gift nakabalot.
NGAYON: Cash na lang po. O kaya deposit na lang sa bank account.
NOON: Ok na ang parol at kunting christmas lights.
NGAYON: Binalot na buong bahay ng palamuti para magmukhang karnabal.
NOON: Isa lang ang Santa Claus
NGAYON: Lahat na Santa Claus, traffic policemen, sales personnel at cashiers sa mall, etc..
NOON: Libre mangarolling
NGAYON: Kuha muna permit sa barangay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento