Martes, Oktubre 7, 2014

OPM ( Original Pilipino Music )

OPM ( Original Pilipino Music) Dekada Noventa na naging popular ang pinoy music. Ballad or Mellow Touch ang tawag sa tema ng mgakantahan nuong panahon itu. Sa panahong itu nagbago ang nga tono tema (Genre) ng kanta sa pagiging ballad nagkaroon ng Pinoy Rock, Medly, Remix, Slow Rock, Pop Songs.

Late 80’s iilan palang ang grupo ng mangaawit na natatandaan ko nandyan ang Asin, Apo Hiking Society, Hagibis, Hotdogs, VST and Company. Elementary palang ako nuon lagi kong naririnig ang kanta ni Fredie Aguilar na “estudyante blues” ganda kasi ng itro nitu na “tan tan tan tananan tananan tan tan tananan. Nandyan din ang Mega Star na si Sharon Cuneta, Ang aking idol si Marco Sision, Ric Segreto, Martin Nievera, Kuh Ledesma, Carol Banawa, Manilyn Reynes, Gary Valenciano, Joey Albert, Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, Pops Fernadez, Mike Hanopol, Sampaguita. Syempre ang aking kinakanta sa aming karaoke kasi meron kaming minus one ni Rey Valera.

Dekada Nuventa ng akoy magkaisip at medyu nahilig sa mga kanta kahit walang hilig sakin ang kanta. Sinu ba naman ang nakakalimot sa April Boys na dati tatlo sila hanggang sa nagsolo si April Boy Regino. Tandang tanda ko pa nung kasikatan nya yung mga kaklase kapag may program sa school yun ang palagi nilang kinankanta pati yung kasuotan kopyang kopya, mga naka tshirt tapos nakalong sleeve na bukas ang mag bitones at naka baseball cap, habang naka forward ang isang paa.

Halos ilang taon din syang namayagpag sa kasikatan kapag pinapanuod ko sya sa television lagi syang nagbibigay ng sumbrero na may burda na april boy regino na ang style ay tulad ng Raiders. Hindi rin pahuhuli ang kanyang mga kapatid na si Vingo at Jimmy na kalaunan ay gumawa pa ng pinikula.

Barbies Cradle and kumanta ng theme song Tabing Ilog na kung saan unang sumikat sila John Llyod Cruz, Baron Graizler, Jodi Sta Maria, Patrick Garcia. Ito ang unang sitcom na para sa mga teenager na kagaya ko nung mga panahon na itu. Simundan ng Gimik ngayun ay Loveu na.

Introvoys isa mga mga boy band ng taong ito, si Paco Arespacochaga ang kanilang head singer samantalang ang tukayo ko na kaapelido ko pa na si Jonathan Manuel ang kanilang gitarista. Pinasikat nila ang kanyang Line to Heaven.

Hindi naman papatalo ang Parokya ni Edgar, sinu ba naman ang hindi nakakikila sa vocalist nilang si Edgar este si Chito Miranda pala na hangang sa panahon ngayon sa buo parin ang kanilang banda. Isang multi award wining Filipino band. Sila ng nagpauso ng alternative pop rock,alternative pop at funk songs. Naka 2 dekada na sila bilang isang banda na patuloy paring gumagawa ng mga kanta. Sila din ang banda na mayroon mga guest singer, nakasama na nila ang master raper nasi Francis M. na siyang nagpauso ng rap dito sa pinas, maging si Gloc 9 nakasama narin nila. Gumawa din sila ng isang kanya na naging theme song ng isang sikat na fast food chain ang Jollibbee. Theme song ng isang sitcom sa televison ang Oka Tokat ( takot Ako ) isang show na katatakutan. Maging and vocalist ng Rivermaya na si Rico Blanco sa panahon nagyun nakasama na nila si Abra. Madami silang nakuhang awards tulad ng Best Novelty Recording, Best TV Theme Song, Best New Group nuong 1996, Best Rock Performance, Album of the Year. Nanaolo din sila sa Yahoo OMG Awards bilang Band of the year nuong 2012 at 2014. mayroon din silang mga commercial endorsement tulad ng Chippy, Coca Cola, Jollibee, Mang Tomas, Rexona Deodorant, San Miguel Beer, Tanduay Rhum at Mitsubishi Motors sa kanilang Mitsubishi Adventure. Naging popular nilang kanta ay “Buloy”, “Maniwala Ka Sana”, “Silvertoes”, “Sayang”, “Harana”, “Picha Pie”, “Halaga”, “Inuman Na”, “Wag Mo Na Sana”, “Swimming Beach”, “Sorry Na”, “This Guy’s In Love With You Pare”, “Mr. Suave”, “The Yes Yes Show”, “Chikinini”, “Para Sa ‘Yo”, “Papa Cologne”, “The Ordertaker”, “Gitara”

Eraserheads or EHEADS isa sa pinoy band na sumikat sa panahong itu and kanilang banda ay kinumpara sa international band na Beattles bilang isang Rock Band. Sa pamumuno ni Ely Buendia nilang kanilang lead vocalist. Ang bandang ito ay pianka sucessful, most influential sa history ng OPM. Nagrelease sila ng mareaming singles, album at nakuha nila ang number 1 sa larangan ng muska ng panahong ito. Isa sa kanilang single ay ang “Pare ko ” na naging title pa ng isang pelikula. Apat na kanta ang talagang sumikat at naging successive tulad ng “Kailan”, “Magasin”, “With A Smile”, “Alapaap” Maging kontrebersya ang kanilang banda nung kanilang ni release ang kanta ” Alapaap “. Dahil kay Sen. Tito Sotto sa kanyang Anti Drug Campaign dahil narin sa mga lyric ng kanta at tuluyan itong na banned sa mga radio stations. Gumawa din silang ng Christmas album na self titled album “FruitCake”, Christmas Alpahabet. Mabuwag ang kanilang grupo at nag solo si Ely Buendia at kalaunan ay nagbuo ulit ng banda at tinawah nyang “Pupil”.

Maraming pang mga banda ang sumikat ng panahong ito tulad ng Parokya ni Edgar at Eraserheads bilang pinoy rock tulad ng Kamikazee, Siakol, True Faith, Rivermaya, The Teeth, Shamrock, Green Department.

Kung meron pinoy rock meron din naman mga lovesongs nagunguna na ditu ang bandang Side A na puros Side A ang nakalagay sa kanilang cassette tape, pinasikat nila ang kantang “Forevermore” naging theme song pa nga isang pelikula. Nandyan din ang bandang Jerimiah ” Nanghihinayang “. Fresstyle, After Image, Jimmy Bondoc, Menopose at marami pang iba.

Sa panahong ngayon 21st Century tuluysn ng nawala na ang OPM dahil narin siguro sa mga hilig na mga bagong henerasyon natin ngayon. Nariyan na ang mga KPOP nakahit hindi nila alam ang ibig sabihin na kanta kasi Korean Song itu ay click parin sa marami sa atin. Masaya ako ako ay naging batang 90’s at kahit sa aking mga playlist halos lahat ito ay OPM na naging kasama ko sa panahong ito, para sa akin iba parin talaga ang kanta ng mga OPM dahit ito ay nakakarelate sa atin maging sa mga problema sa pag-ibig, puso, pamilya o sa ating lipunang kinagagalawan. Taas nuo kong piangmamalaki na ako ay BATANG DEKADA NOVENTA.
#suplado

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento