Martes, Oktubre 7, 2014
panahong wala pang teknolohiya
Sa high-tech nating panahon, napakadali na ng komunikasyon. Salamat sa internet at mga wireless communications, kasing-bilis ng “speed of light” ang pag-transmit ng messages papunta sa gusto mong kausapin. ‘Di na “in” ang snail mail, dahil may e-mail naman na at SMS o text messages.
Bago pa man naimbento ang beeper or pager, tanging kumunokasyon ng mag Pilipino o mga tao ang ang pagliham o pagsulat gamit ng koreyo. Kung madali naman or emergency merong tinatawag na telegrama ditu rin nakuha siguro ang pagtetext kasi meron lamang itung lilited na character kaya kailangan putulin o paikliin ang mensahe. Kung magpapadala ka ng sulat at gusto mong medyu madali mga 3 day sasabihin mo sa post man na Priority Mail medyo may kamahalan itu kumpara sa regular na sulat. Itu rin ang naging tulay para sa mga nagmamahal, dahil ditu ang mag sulat ay naitatago pa at hindi mabubura tinatago pa sa mga aparador at ilang beses uulit uilit hanggan sa makabisado na itu.
Pero bago pa man namayagpag ang mga telepono ay nauna na sa pagpapasikat ang mga PAGERS sa panlasa nating mga Pinoy. Bago pa man naghari ang mga cellular networks na Globe at Smart at Sun ay may business competition na ang EasyCall at PocketBell.
Ang pager, o “BEEPER” para sa karamihan dahil sa beeping noise nito kapag nakakatanggap ng message, ay actually ang sinaunang paraan ng text messaging. Naaalala ko pa noon na Motorola ang pinakasikat na beeper unit.
Kapag nakatanggap ka ng message at kailangan mong mag reply hahanap ka pa ng landline para makatawag sa netword at magpadala ng message sa beeper ng nagpadala sa'yo ng message.
Noong high school ako forth year na yata ako ay “in na in” ang malalaking celfones na parang pangkadkad ng yelo na nilagyan ng mahabang antenna. Wala pa itong text message puros tawag palang that time and kailangan mo pang bumili ng 100 ang pinakamababa.
Nang pumasok ang kalagitnaan ng nineties ay lumabas ang mga celfones na puwede nang magtext. Naaalala niyo pa ba ang commercial ng Globe na may magsyotang pipi't bingi na nag-date? Yung nag-uusap through text? Tanong niyo sa mga kuya niyo ito dahil dito nagsimulang tumamlay ang beepers hanggang sa namatay.
Effort talaga nuon para magka celphone ka imagine ang mahal pa ng sim card 100 pa yata at wala pang eload tag 300, 500 lang ang card nuon wala pang eload. Sa ngayun nagkalad na ang mga eload loading station na pwede kang magpa load ng 30 or even 10 nga lang ok na naka unlitext ka pa.
Ditu na sumikat ang Nokia tulad ko nuon meron akong 5110 at kulay dilaw pa itu meron pang atenna ha ha ha, nauso rin ang backlight na tinatawag na para pagandahin ang mga keypad para magkakulay. Black and white pa ang mga cellular phone dati, monotone pa until naging polytone na meron pang composer ikaw pa gagawa ng sarili mong ringtone. Sikat na laro sa cellphone ang snake at space impact. Until sa tumatagal tagal naging colored na itu, nagkaruon na itu ng 3G, 4G na pwede kanang maginternet gamit ang cellphone per bytes pa ang charging nitu. Until sa panahin natin ngayun meron ng Android phone madami ng mga application, meron ng wifi, kahit na saan ka pwede ka ng mag internet kahit anung oras gamit ang iyong cellphone or tablet.
Maraming salamat sa teknolohiya sa intenet lumillit na lamang ang ating mudong ginagawalan. Madali na lang tayong nakikipag communicate sa ating mga mahal sa buhay kahit pa gaano kalayo ito magkaiba man ang ating mga oras. Nariyan na ang skype makakausap makikita na natin ang isa't isa ng parang magkaharap lamang tayo. Nariyan din ang facebook dati song ang nirerequest sa mga radio station ngayon " friend request " na. Sana huwag natin abusuhin ang mga itu, gamitin natin sa tama. Marami na sa atin ang napahamak sa pamamagitan ng internet tulad na lamang ng facebook napariwara nasira ang buhay dahil sa pag accept ng friend request ng hindi nila kilala at nakipagkita na wala silang kaalam alam na may masama na pala itong binabalak karamihan sa mga babae. Dahil narin sa facebook naa upload natin ang mga picture sa mga mahahalagang okasyon sa ating buhay at nakikita agad itu ng ating mahal sa buhay dahil ditu parang makasama natin sila sa mahalagang araw na ito. Marami narin ang yumaman dito sa pamamagitan ng scam. Meron din naman ang pinalad na nakarating sa America or ibang bansa dahil lamang sa 15 pesos na puhunan araw araw, 15 pesos lang may 1 oras kanang online sa pamamagitan ng skype na mga naka flunging neckline ( dami nyan kahit ako nakikita ko mga yan sa computer shop ). Madali narin naikakalat ang mga tsismis mga sex videos kahit sinu kaya mag access sa youtube. Sa isang supladong salita ang lahat ng bagay ay may masama at magandang naidudulot sa ating buhay kaya gamitin natin ng wasto at tama ang ating teknolohiya.
Lokasyon:
Taguig, Metro Manila, Philippines
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento