Huwebes, Disyembre 18, 2014

Maligayang Pasko

bagong panahon sa makabagong Pamilyang Pilipino sa pagdiriwang ng Pasko...

Anu ang Pasko sa makabagong Pamilyang Pilipino? Paano natin ipinagdiriwang sa panahon ngayon ang Kapaskuhan? hindi pa rin naman nawawala sa mga Pilipino ang nakasanayang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Hindi kumpleto ang Pasko kapag walang handa sa hapag kainan. Hindi rin nawawala ang mga palamuti sa mga tahanan. at ang pagsasama-sama ng mga magkakapamilyang sa araw ng Pasko.

Ang Pasko ay di lang araw ng Kapanganakan ng Poong nilikha, kundi ito ang araw kung saan nagsasama-sama ang magkakaibigan, magkakapamilya saan man sulok ng mundo.

Kahit anu pa ang ginagawa natin o kahit saan man tayo naroroon, ang Kapaskuhan ay araw na isinasantabi natin ang lahat para lang makasama ang mga mahal natin sa buhay. sabi nga minsan lang sa isang taon ang Pasko kaya dapat samantalahin natin ito na makasama ang ating Pamilya.

Ituring din nating Pamilya ang mga taong nakapaligid sa atin...

kaibigan mo,

naging kaaway mo,

dating kasintahang nanakit sa iyo,

at kahit mga simpleng tao na hindi natin nalalaman pero naging bahagi pala sila ng ating buhay.
"isapuso natin ang tunay na diwa ng Pasko."

Martes, Disyembre 9, 2014

Pasko: Noon at Ngayon

NOON: Iniisip kung saan sasamang party.
NGAYON: Iniisip kung bakit nakasali Samahang Malalamig ang Pasko.

NOON: May Santa Claus
NGAYON: Santa Close. gipit eh, walang pera, marami na inaanak.

NOON: Tatakbo ka sa Ninong at Ninang para humingi ng pamasko.
NGAYON: Tatakbuhan mo mga inaanak, kasi ikaw naman ang hinihingian ng pamasko..

NOON: Pinapatulog ng maaga ang mga bata, para magkaroon ng pagkakataon na makalagay ang mga magulang ng regalo sa mga nakasabit na medyas ng mga anak.
NGAYON: Natutulog na lang ng maaga ang mga magulang kasi, may lakad ang mga bata, magdamag na tatambay sa barkada.

NOON: Nagsabit ang mga bata ng makukulay na medyas para malagyan ng kendi..
NGAYON: Kelangan na siguro plastic bag o sako, korni na ang kendi, gusto gadgets.

NOON: Mga gift nakabalot.

NGAYON: Cash na lang po. O kaya deposit na lang sa bank account.

NOON: Ok na ang parol at kunting christmas lights.
NGAYON: Binalot na buong bahay ng palamuti para magmukhang karnabal.

NOON: Isa lang ang Santa Claus
NGAYON: Lahat na Santa Claus, traffic policemen, sales personnel at cashiers sa mall, etc..

NOON: Libre mangarolling
NGAYON: Kuha muna permit sa barangay.

Miyerkules, Nobyembre 12, 2014

Suplado

Maraming dahilan kung paano maging suplado, kanya-kanyang trip ika nga,
marami sa atin na literal na mag-suplado lalo na pag lalake o sabihin na
natin pati babae ay may karapatang mag-suplada pero minsan ang ganong
bagay ay kailangang bagayan. Ako may sarili din akong dahilan kung bakit
ako naging suplado.

target="_blank">http://jonathankwongmanuel.wordpress.com/2014/08/19/tv-comemrcial-taglines-90s/
Marami kasing nagsasabing suplado daw ako in
person, like hindi ako approachable at friendly tingnan, snoberro
ganun. Okay, baka ganun nga talaga ka-seryosong tingnan yung pagmumukha
ko! haahaa! Pero the thing is, i’m not really the kind of person who
will approach someone FIRST, it’s not that maarte ako, pero i feel
awkward kasi talking to someone i don’t know. Pero maybe if someone
would eventually approach me first, then i’d be happy to have a
conversation with that person.

bago tayo mag-judge ng isang tao, let’s try to observe and know the person more muna.





Suplado 

Lunes, Oktubre 27, 2014

Undas 2014

Nalalapit na ang Undas. Isa nga ba itong pagdiriwang?


Mukang maling sabihin na pagdiriwang ang pagsapit ng undas. Mas maganda na isa tong pagalaala sa mga malalapit sa atin na namayapa. Maraming uuwi ng probinsya upang dalawin ang puntod ng kanilang mga kamag-anak mahal sa buhay. Ang ilan naman ay sa bahay lang mamamalagi at magpapahinga. Ang undas ay nagiging daan na din ng ilang magkakalayong pamilya upang muling magsama-sama. Karaniwang Nov 1 ang kapistahan ng mga kaluluwa.



Ang Undas naman ay tinatawag ding Araw ng mga Patay o Pista ng mga Patay. Nakasaad sa Wikipedia na Undas ang palansak na tawag sa mga ipinagdiriwang sa Pilipinas sa ganitong mga panahon.



Sinasabing nanggaling sa Mexico ang pagdiriwang ng Undas. Daang taon na umano ang nakalilipas nang gawin ng mga tao roon ang pagdiriwang ng araw ng mga patay. Ito ay noong mga panahong di pa nakararating sa kanila ang mga Espanyol, noong panahong paganong kultura ang nananaig sa Mexico.



Dito sa ating bansa, ang sentro ng pagdiriwang tuwing Undas ay sa sementeryo. Ang mga tao’y talagang nagpupunta sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay upang magbigay-pugay, mag-alay ng bulaklak pati na pagkain, magtirik ng kandila at magdasal. Nagiging panahon din ito ng reunion ang mga magkakamag-anak, kung kailan sila nakakapagkwentuhan ng matagal-tagal. Minsan pa’y naglalaro sila gamit ang mga baraha at iba pang pampalipas-oras. Sa mga nabanggit na dahilan ay di na nakapagtatakang marami ang dagsa sa mga sementeryo sa ganitong panahon.



Sa sementeryo dagsa ang mga mga nagtitinda ng mga kandila maging mga bulaklak sa gilid ng kalsada, hindi rin mawawala ang mga nagtitinda ng pagkain. Nuong ako ay bata pa ang aking lola ay gumagawa ng mga kakanin at aming dadalin sa sementeryo para meron kaming makakain ngayon bihira na o masasabi kong wala na yatang gumagawa nito sa ngayon.



Ngayong undas uuwi na naman kami para dalawin ang aming mga mahal sa buhay lalong lalo na ang aking mahal na Ina na 6 taon na mula ngayon ng sya ay pumanaw. Dagsa na naman ang mga tao sa bus terminal at isa na ako dun sa nagtitiis sa mainit at siksikan na pila, ngunit ang lahat ng ito ay balewalang sakripisyo kumpara sa pagaaruga sa akin ng aking mahal na Ina nuong kami au mga bata pa. Samantalahin ko na din ang pagkakataon na magpasalamat sa iyo Mama Beth sa lahat ng pagaaruga mo sa aming magkakapatid sa pagmamahal mo na walang katulad na kahit wala kaman sa aming tabi ngayun hindi ka man namin nakikita nayayakap nahahagkan ang iyong alala ay mananatili sa aming mga puso at isipan.



Bukod sa pagpunta sa sementeryo, maraming Pilipino ang nagtitirik ng kandila sa labas ng kanilang mga tahanan tuwing Undas. Tanda umano ito ng pag-alaala sa namayapang mahal sa buhay. Ang dami ng kandila ay depende sa bilang ng mahal sa buhay na kanilang pinagdarasal. Sa aming probinsya sa Nueva Ecija inuuwi namin ang mga natirang kandila sa aming bahay ngunit bawal itong ipasok sa loob ng bahay ayon sa kinaugalian, dahil dito ang kandila ay aming sinisindihan muli sa ilalim ng mga punong kahoy na namumunga upang ito ay lalong humitik sa bunga.



“Walang sinuman ang makakatumbas sa pagmamahal ng isang kapamilya!” Iyan ang tunay na diwa tuwing sasapit ang ganitong araw. Pagmamahalan ng tunay na magkapamilya, magkapuso at magkadugo. Hindi natin maipagkakait ang katotohanang nagbabadya sa ating pagkatao na tuwing sasapit ito, nagdadagsa ang mga tao pauwi sa mga probinsiya mula sa mga karatig na bayan dahil ito daw ang araw na nagkakasama-sama ang mga pamilya bukod sa pasko at bagong taon.



Kasabay ng pagdiriwang Undas 2014, kailangan nating matuto na lahat ng bagay dito sa mundong ito ay isang hiram mula sa itaas kaya markahan ang ilang sandali at gawin ang lahat ng iyong makakaya sa pamamagitan ng araw na ito.



Nguni’t sa diwa ng pananampalatayang Kristiyano, ang pag-alalay na ito ay may higit pang malalim na kahulugan. Ito ang diwa ng pag-aalay, ng pagkakaloob ng mga panalanging patungkol sa mga kaluluwa ng mga yumao. Bukod sa mga bulaklak na alay sa puntod, marami sa atin ang nag-aalay ng mga pamisa, at ng iba pang mga panalangin para sa kanilang ikaluluwalhati.



Ang lahat ng ito ay naghahatid sa atin sa isang higit na malawak na pagninilay tungkol sa kamatayan. Lahat tayo ay may angking takot sa pagkamatay. Marami sa atin ang sinasagian ng pangamba o takot kapag napag-uusapan ang pagkamatay. Maraming mga kultura sa ibang bansa, tulad ng America, na dahil sa sobrang pagpapahalaga sa pagkabata ay nakukublihan ang katotohanang ang buhay ay may wakas o hangganan. Ginagawa ng mga kulturang ito ang lahat upang itago ang kapaitan ng kamatayan.



Sa araw na ito, ang katotohanang ito ay hindi itinatago, bagkus, ipinagdiriwang. Ito ang kahulugan ng liturhiya – pagdiriwang, paggunita, at paghawak sa pangako ng hinaharap ng buhay ng tao. Ito ang maliwanag na sinasaad sa prepasyo ng patay. Sa pananampalatayang Kristiano, ang buhay ay hindi nagwawakas, kundi nagbabagong anyo lamang. Ang pagkamatay ay hindi siyang wakas ng buhay ng tao kundi daan patungo sa tunay na buhay.



Samakatuwid, ang kamatayan, ayon sa kristianong pagninilay, ay puno ng pangako, puno ng pag-asa. Kung gayon, ang mata ng pananampalatayang kristiyano ay iba ang nakikita sa karanasang makatao ng kamatayan.



Nguni’t hindi ito lubos na kristiano hangga’t hindi natin naaabot ang diwa at kabuuan ng lahat ng pagsasayang ito. Sa pagdiriwang, sa paggunita sa mga yumao, ang ating pag-alalay, at pag-aalay ay dapat mauwi sa rurok ng ating pagninilay – tungkol sa katotohanang ang hantungan ng buhay ng tao ay walang iba kundi ang Diyos. Siya ang nagkaloob ng buhay. Siya rin ang bumawi sa pahiram na buhay na ito. At Siya rin ang nagkakaloob sa atin ng pangako at katuparan ng buhay na walang hanggan.



Ano man ang dahilan at paano ito ginugunita, ang mahalaga pa rin sa darating na undas ay ipagdasal ang mga kaluluwa ng ating mga mahal sa buhay na namayapa.



Totoo nga naman, lahat tayo ay doon ang punta. Lahat din tayo ay mamamatay, nauna lang sila. Ang mahalaga, ay maayos ang buhay natin ngayon sa pakikipagkapwa, pakikibagay sa kalikasan at higit sa lahat, ang pamumuhay ng may takot sa Diyos.



Hindi natin alam kung kelan at hanggang saan tayo mabubuhay namamatili sa mundoong ibabaw, walang nakakaalam kung kailan tayo mamamatay. Totoong maiksi ang buhay kaya dapat nating ayusin, magsaya at gamitin sa tama ang isang buhay na hiram natin. Dahil baka sa susunod na Undas, tayo naman ang dadalawin.....

Biyernes, Oktubre 24, 2014

Balik Tanaw

" Kung nais mong balikan ang nakaraan
Tingnan mo ang sarili mo ngayon yan ang epekto ng iyong nakaraan
Kung nais mo malaman kung ano ang iyong magiging bukas
Tingnan mo sarili mo ngayon
Nakikita mo na kung ano ang iyong magiging BUKAS "

SIMPLENG BAGAY NA MAHIRAP GAWIN

Ano ang mga simpleng bagay na mahirap nating gawin ngunit kaya naman nating gawin na maari kang hangaan kung magagawa mo sa iba?

Kadalasan ang isang malaking kamalian natin ay ang mag isip lang ng isang napakalaking bagay o napaka-importanteng bagay na magagawa para makakuha ng attention ng ibang tao, kaya sa realidad ang mga maliliit na bagay na maari nating magawa ay hindi natin makuhang gawin.

Ilagay sana natin sa ating isipan na kahit ang mga maliliit lang na bagay ay napakalaki ring halaga para tapunan tayo ng attention ng ibang tao at pag isipan kung anong meron pagkatao at pag iisip meron tayo. Dito sa mundo ay may kanya - kanya tayong imahe na maari nating ipakita o ipakilala sa ibang tao.. Kung paano ka kumilos, kung paano ka mag salita, kung paano ka mag bigay ng mga komento sa mga napapanahong usapin, Kung paano ka mag-respeto sa komento ng ibang tao at kung paano ka mag pakita at mag handle ng attitude mo sa ibang tao lahat yan ay mga simple bagay na maari nating ipakita o gawin sa ibang tao.

Ang pakikitungo sa tao sa realidad man o sa facebook sa pamamagitan ng ating pagsasalita makakakuha tayo ng puntos para ma-impress natin ang mga tao hindi lang sa kung paano ka magdala ng mamahaling alahas at nag gagandahang mga damit.

Ang isipan ng tao laging kaakibat ang paghuhusga depende sa kung ano ang nakikita nila sa ating sarili o sa ating ginagawa, ang mga simpleng bagay na magagawa mo na maaring makatawag ng attention ng ibang tao ay napakalaking impact sa kanilang isipan. Ang mag bigay ng respeto sa ibang tao ay isang bagay rin minsan na napakahirap gawin lalo na kung nasasapawan tayo ng kagalingan o ng talino ng ibang tao kadalasan dito nag babago ang attitude natin dahil minsan hindi tayo marunong tumangap ng pagkatalo. Binibigyan na natin minsan ng hindi magandang impression ang mga taong nakakahigit sa atin ng talino o sa anu pa mang bagay, isang simpleng bagay din iyan na mahirap nating gawin pero isang napakalaking impact naman iyan na makakamit mo mula sa isipan ng iba kung marunong kang tumangap ng katotohanan at pagkatalo na maari kang hangaan dahil sa magaganda mong pagsasalita kahit nasasapawan tayo ng talino ng ibang tao.

Kahit ang simpleng pagsasabi ng salamat ay isa ding napakahirap nating gawin o ibigay sa ibang tao, ang simpleng pagsasabi ng salamat ay isang bagay na pagpapakilala ng kabaitan ng ating pagkatao, simpleng pasasalamat para ipahatid sa iba na marunong tayong mag-appreciate kahit ng mga simpleng mga bagay na natatangap natin mula sa ibang tao.

Lagi rin nating gagamitin ang ating humor sa ibang tao para mas lalong mapalapit kayo sa isat - isa at lagi nating gagamitin ang smile kung nakaharap o nakikipag usap tayo sa ibang tao, pag papakita lang ng pagiging masayahin natin at pagpapakilala sa iba na friendly tayong tao.

Isang halimbawa na inaakala mong maliit na bagay ay ang pagtangap sa isang tao ano man ang katayuan niya sa buhay.

Kung minsan ang pag kilala at pag tangap sa ano mang talino meron ang ibang tao ay hindi natin matangap sa ating sarili na mas nakakahigit ang talino nila kaysa sa atin, nagkakaroon ng distansya ang pagitan ninyo ng taong nakakahigit sa iyo ng talino, nagkakaroon tuloy kayo ng pagkakataon para hindi mapalapit sa isa't - isa dahil meron balakid na nakaharang sa pagitan ninyong dalawa ang ugaling hindi natin matutunan o hindi natin magawa ang pag-appreciate kung ano meron sila na wala tayo. Hindi natin kayang makipag usap sa mga taong ayaw nating kausapin dahil alam nating mas nakakahigit siya sa ating talino dahil alam nating na sa pakikipag-bigayan ng kuro-kuro ay tiyak na matatabunan tayo isang bagay na ayaw nating mangyari at ayaw nating tangapin ang katotohanan na may mga batang nakakahigit ng talino sa nakakatanda. Kung magagawa natin at matatangap ang mga bagay na ganito mas hahangaan kayo dahil wala kayong pinipiling kausap at may pagkakataon na maibibigay at maipapahayag din ninyo ang mga bagay na hindi nalalaman ng ibang tao. Mawawala ang balakid para magkalapit kayong dalawa at magkaroon ng pagkakataong maging mag kaibigan kayo.

Sana hindi lang ang mga malalaking bagay na gusto nating gawin para hangaan tayo ng ibang tao...

Kahit man lang sa mga simpleng bagay lang kung iyan lang ang kaya natin at hindi mahirap gawin para ma-impress natin ang ibang tao... Bakit hindi natin gawin.

Martes, Oktubre 7, 2014

panahong wala pang teknolohiya

Sa high-tech nating panahon, napakadali na ng komunikasyon. Salamat sa internet at mga wireless communications, kasing-bilis ng “speed of light” ang pag-transmit ng messages papunta sa gusto mong kausapin. ‘Di na “in” ang snail mail, dahil may e-mail naman na at SMS o text messages. mail Bago pa man naimbento ang beeper or pager, tanging kumunokasyon ng mag Pilipino o mga tao ang ang pagliham o pagsulat gamit ng koreyo. Kung madali naman or emergency merong tinatawag na telegrama ditu rin nakuha siguro ang pagtetext kasi meron lamang itung lilited na character kaya kailangan putulin o paikliin ang mensahe. Kung magpapadala ka ng sulat at gusto mong medyu madali mga 3 day sasabihin mo sa post man na Priority Mail medyo may kamahalan itu kumpara sa regular na sulat. Itu rin ang naging tulay para sa mga nagmamahal, dahil ditu ang mag sulat ay naitatago pa at hindi mabubura tinatago pa sa mga aparador at ilang beses uulit uilit hanggan sa makabisado na itu. Pero bago pa man namayagpag ang mga telepono ay nauna na sa pagpapasikat ang mga PAGERS sa panlasa nating mga Pinoy. Bago pa man naghari ang mga cellular networks na Globe at Smart at Sun ay may business competition na ang EasyCall at PocketBell. beeper Ang pager, o “BEEPER” para sa karamihan dahil sa beeping noise nito kapag nakakatanggap ng message, ay actually ang sinaunang paraan ng text messaging. Naaalala ko pa noon na Motorola ang pinakasikat na beeper unit. Kapag nakatanggap ka ng message at kailangan mong mag reply hahanap ka pa ng landline para makatawag sa netword at magpadala ng message sa beeper ng nagpadala sa'yo ng message. Noong high school ako forth year na yata ako ay “in na in” ang malalaking celfones na parang pangkadkad ng yelo na nilagyan ng mahabang antenna. Wala pa itong text message puros tawag palang that time and kailangan mo pang bumili ng 100 ang pinakamababa. Nang pumasok ang kalagitnaan ng nineties ay lumabas ang mga celfones na puwede nang magtext. Naaalala niyo pa ba ang commercial ng Globe na may magsyotang pipi't bingi na nag-date? Yung nag-uusap through text? Tanong niyo sa mga kuya niyo ito dahil dito nagsimulang tumamlay ang beepers hanggang sa namatay. Motorola-MicroTAC-International-5200 Effort talaga nuon para magka celphone ka imagine ang mahal pa ng sim card 100 pa yata at wala pang eload tag 300, 500 lang ang card nuon wala pang eload. Sa ngayun nagkalad na ang mga eload loading station na pwede kang magpa load ng 30 or even 10 nga lang ok na naka unlitext ka pa. nokia dialw Ditu na sumikat ang Nokia tulad ko nuon meron akong 5110 at kulay dilaw pa itu meron pang atenna ha ha ha, nauso rin ang backlight na tinatawag na para pagandahin ang mga keypad para magkakulay. Black and white pa ang mga cellular phone dati, monotone pa until naging polytone na meron pang composer ikaw pa gagawa ng sarili mong ringtone. Sikat na laro sa cellphone ang snake at space impact. Until sa tumatagal tagal naging colored na itu, nagkaruon na itu ng 3G, 4G na pwede kanang maginternet gamit ang cellphone per bytes pa ang charging nitu. Until sa panahin natin ngayun meron ng Android phone madami ng mga application, meron ng wifi, kahit na saan ka pwede ka ng mag internet kahit anung oras gamit ang iyong cellphone or tablet.   Maraming salamat sa teknolohiya sa intenet lumillit na lamang ang ating mudong ginagawalan. Madali na lang tayong nakikipag communicate sa ating mga mahal sa buhay kahit pa gaano kalayo ito magkaiba man ang ating mga oras. Nariyan na ang skype makakausap makikita na natin ang isa't isa ng parang magkaharap lamang tayo. Nariyan din ang facebook dati song ang nirerequest sa mga radio station ngayon " friend request " na. Sana huwag natin abusuhin ang mga itu, gamitin natin sa tama. Marami na sa atin ang napahamak sa pamamagitan ng internet tulad na lamang ng facebook napariwara nasira ang buhay dahil sa pag accept ng friend request ng hindi nila kilala at nakipagkita na wala silang kaalam alam na may masama na pala itong binabalak karamihan sa mga babae. Dahil narin sa facebook naa upload natin ang mga picture sa mga mahahalagang okasyon sa ating buhay at nakikita agad itu ng ating mahal sa buhay dahil ditu parang makasama natin sila sa mahalagang araw na ito. Marami narin ang yumaman dito sa pamamagitan ng scam. Meron din naman ang pinalad na nakarating sa America or ibang bansa dahil lamang sa 15 pesos na puhunan araw araw, 15 pesos lang may 1 oras kanang online sa pamamagitan ng skype na mga naka flunging neckline ( dami nyan kahit ako nakikita ko mga yan sa computer shop ). Madali narin naikakalat ang mga tsismis mga sex videos kahit sinu kaya mag access sa youtube. Sa isang supladong salita ang lahat ng bagay ay may masama at magandang naidudulot sa ating buhay kaya gamitin natin ng wasto at tama ang ating teknolohiya.

OPM ( Original Pilipino Music )

OPM ( Original Pilipino Music) Dekada Noventa na naging popular ang pinoy music. Ballad or Mellow Touch ang tawag sa tema ng mgakantahan nuong panahon itu. Sa panahong itu nagbago ang nga tono tema (Genre) ng kanta sa pagiging ballad nagkaroon ng Pinoy Rock, Medly, Remix, Slow Rock, Pop Songs.

Late 80’s iilan palang ang grupo ng mangaawit na natatandaan ko nandyan ang Asin, Apo Hiking Society, Hagibis, Hotdogs, VST and Company. Elementary palang ako nuon lagi kong naririnig ang kanta ni Fredie Aguilar na “estudyante blues” ganda kasi ng itro nitu na “tan tan tan tananan tananan tan tan tananan. Nandyan din ang Mega Star na si Sharon Cuneta, Ang aking idol si Marco Sision, Ric Segreto, Martin Nievera, Kuh Ledesma, Carol Banawa, Manilyn Reynes, Gary Valenciano, Joey Albert, Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, Pops Fernadez, Mike Hanopol, Sampaguita. Syempre ang aking kinakanta sa aming karaoke kasi meron kaming minus one ni Rey Valera.

Dekada Nuventa ng akoy magkaisip at medyu nahilig sa mga kanta kahit walang hilig sakin ang kanta. Sinu ba naman ang nakakalimot sa April Boys na dati tatlo sila hanggang sa nagsolo si April Boy Regino. Tandang tanda ko pa nung kasikatan nya yung mga kaklase kapag may program sa school yun ang palagi nilang kinankanta pati yung kasuotan kopyang kopya, mga naka tshirt tapos nakalong sleeve na bukas ang mag bitones at naka baseball cap, habang naka forward ang isang paa.

Halos ilang taon din syang namayagpag sa kasikatan kapag pinapanuod ko sya sa television lagi syang nagbibigay ng sumbrero na may burda na april boy regino na ang style ay tulad ng Raiders. Hindi rin pahuhuli ang kanyang mga kapatid na si Vingo at Jimmy na kalaunan ay gumawa pa ng pinikula.

Barbies Cradle and kumanta ng theme song Tabing Ilog na kung saan unang sumikat sila John Llyod Cruz, Baron Graizler, Jodi Sta Maria, Patrick Garcia. Ito ang unang sitcom na para sa mga teenager na kagaya ko nung mga panahon na itu. Simundan ng Gimik ngayun ay Loveu na.

Introvoys isa mga mga boy band ng taong ito, si Paco Arespacochaga ang kanilang head singer samantalang ang tukayo ko na kaapelido ko pa na si Jonathan Manuel ang kanilang gitarista. Pinasikat nila ang kanyang Line to Heaven.

Hindi naman papatalo ang Parokya ni Edgar, sinu ba naman ang hindi nakakikila sa vocalist nilang si Edgar este si Chito Miranda pala na hangang sa panahon ngayon sa buo parin ang kanilang banda. Isang multi award wining Filipino band. Sila ng nagpauso ng alternative pop rock,alternative pop at funk songs. Naka 2 dekada na sila bilang isang banda na patuloy paring gumagawa ng mga kanta. Sila din ang banda na mayroon mga guest singer, nakasama na nila ang master raper nasi Francis M. na siyang nagpauso ng rap dito sa pinas, maging si Gloc 9 nakasama narin nila. Gumawa din sila ng isang kanya na naging theme song ng isang sikat na fast food chain ang Jollibbee. Theme song ng isang sitcom sa televison ang Oka Tokat ( takot Ako ) isang show na katatakutan. Maging and vocalist ng Rivermaya na si Rico Blanco sa panahon nagyun nakasama na nila si Abra. Madami silang nakuhang awards tulad ng Best Novelty Recording, Best TV Theme Song, Best New Group nuong 1996, Best Rock Performance, Album of the Year. Nanaolo din sila sa Yahoo OMG Awards bilang Band of the year nuong 2012 at 2014. mayroon din silang mga commercial endorsement tulad ng Chippy, Coca Cola, Jollibee, Mang Tomas, Rexona Deodorant, San Miguel Beer, Tanduay Rhum at Mitsubishi Motors sa kanilang Mitsubishi Adventure. Naging popular nilang kanta ay “Buloy”, “Maniwala Ka Sana”, “Silvertoes”, “Sayang”, “Harana”, “Picha Pie”, “Halaga”, “Inuman Na”, “Wag Mo Na Sana”, “Swimming Beach”, “Sorry Na”, “This Guy’s In Love With You Pare”, “Mr. Suave”, “The Yes Yes Show”, “Chikinini”, “Para Sa ‘Yo”, “Papa Cologne”, “The Ordertaker”, “Gitara”

Eraserheads or EHEADS isa sa pinoy band na sumikat sa panahong itu and kanilang banda ay kinumpara sa international band na Beattles bilang isang Rock Band. Sa pamumuno ni Ely Buendia nilang kanilang lead vocalist. Ang bandang ito ay pianka sucessful, most influential sa history ng OPM. Nagrelease sila ng mareaming singles, album at nakuha nila ang number 1 sa larangan ng muska ng panahong ito. Isa sa kanilang single ay ang “Pare ko ” na naging title pa ng isang pelikula. Apat na kanta ang talagang sumikat at naging successive tulad ng “Kailan”, “Magasin”, “With A Smile”, “Alapaap” Maging kontrebersya ang kanilang banda nung kanilang ni release ang kanta ” Alapaap “. Dahil kay Sen. Tito Sotto sa kanyang Anti Drug Campaign dahil narin sa mga lyric ng kanta at tuluyan itong na banned sa mga radio stations. Gumawa din silang ng Christmas album na self titled album “FruitCake”, Christmas Alpahabet. Mabuwag ang kanilang grupo at nag solo si Ely Buendia at kalaunan ay nagbuo ulit ng banda at tinawah nyang “Pupil”.

Maraming pang mga banda ang sumikat ng panahong ito tulad ng Parokya ni Edgar at Eraserheads bilang pinoy rock tulad ng Kamikazee, Siakol, True Faith, Rivermaya, The Teeth, Shamrock, Green Department.

Kung meron pinoy rock meron din naman mga lovesongs nagunguna na ditu ang bandang Side A na puros Side A ang nakalagay sa kanilang cassette tape, pinasikat nila ang kantang “Forevermore” naging theme song pa nga isang pelikula. Nandyan din ang bandang Jerimiah ” Nanghihinayang “. Fresstyle, After Image, Jimmy Bondoc, Menopose at marami pang iba.

Sa panahong ngayon 21st Century tuluysn ng nawala na ang OPM dahil narin siguro sa mga hilig na mga bagong henerasyon natin ngayon. Nariyan na ang mga KPOP nakahit hindi nila alam ang ibig sabihin na kanta kasi Korean Song itu ay click parin sa marami sa atin. Masaya ako ako ay naging batang 90’s at kahit sa aking mga playlist halos lahat ito ay OPM na naging kasama ko sa panahong ito, para sa akin iba parin talaga ang kanta ng mga OPM dahit ito ay nakakarelate sa atin maging sa mga problema sa pag-ibig, puso, pamilya o sa ating lipunang kinagagalawan. Taas nuo kong piangmamalaki na ako ay BATANG DEKADA NOVENTA.
#suplado

Martes, Setyembre 2, 2014

Tabing Ilog

Bago pa man lumabas ang mga TV series about friendship ngayon tulad ng LUV U, Tween Hearts na yan sa panahon ngayon dito nagsimula ang mga yan. Dekada nobenta ng magsimula ang TV series tungkol sa friendship, mga pa sweet, pa tweetums, pa cute, pa kilig  barkadahan para sa mga teenager walang iba kundi ang Tabing Ilog.

College days ko syempre 90's parin ito ng unang lumabas ng Tabing Ilog I remember it was a sunday March 14, 1999, ng nagpunta kami ng mga college friends ko sa isang fiesta in Gerona Tarlac, syempre napaka special sakin ng araw na ito dahil that day nagkaroon ako ng isang maganda at mabait na bestfriend it almost 1 1/2 dekada 15 years na ang nakakaraan until this time were friends parin kahit hindi na muling nagkita kasi may kanikaniya na kaming pamilya but still we have a communication besides that hindi namin nakalimutan ang isa't isa. Anyway back to the Tabing Ilog proud ako dahil sa naging kasama ko ito sa aking teenage life for almost 4 years na airing nito.


I know kahit na sa mga kabataan ngayon may ilan pa sa mga cast nito ang nakakilala. Here are the main characters:

* John Lloyd Cruz as Ronaldo Victor 'Rovic' Mercado
* Kaye Abad as Epifania 'Eds/Ponyang' delos Santos-Mercado
* Jodi Sta. Maria as Georgina 'George' Fuentebella
* Baron Geisler as Alfonso 'Fonzy' Ledesma
* Paolo Contis as Salvador 'Badong' Magtibay
* Desiree del Valle as Corrinne Ledesma
* Paula Peralejo as Angela 'Anne' de Guzman
* Patrick Garcia as Jaime 'James' Collantes
                                                                      

This TV series is story circulates on their friendship and find their paths in finding new friends. Namiss ko talaga ito ng sobra sobra. May mga balita dati na ipapalabas ulit ito ng ABS CBN starring Miles Ocampo as Eds and Marco Gumabao as Rovic pero parang naiba naman naging " LUV U ". starring Miles Ocampo, Kiray Celis, CJ Navato, Igi Boy Flores, Rhap Salazar, Angeli Gonzales and Marco Gumabao. Until now I'm hoping na muli ulit itong maipalabas at pangako muli ko itong susubaybayan dahil dito ako ay muling magiging isang teenager......




Minsan nag reunite ang mga cast ng Tabing Ilog as ASAP at syempre inabangan ko talaga to... Sarap talagang maging isang batang dekada nobenta 90's.
Tabing Ilog theme song performed by Barbies Cradle sung by Barbie Almalbis
 Here are some clips na nakakilig...
                                                                              
Here is the first episode:
https://www.youtube.com/watch?v=QFPJ2U1476k&feature=related

Batang Dekada Nobenta

ilan taon na po kayo? …ako? …tatlumpo’t tatlong taon na po…tamang edad para sabihing…”ang tanda mo na, anime at cartoons pa din ang pinagkakaabalahan mo…”… nakakatuwang isipin na ito pa din ang aking pinakakabalahan hanggang sa ngayon… kahit na anong kantyaw ang makuha ko sa aking mga kapatid, nanay at ibang mga kakilala, hindi ko pa din magawang iwanan ang napakasayang pagkakataon na ito… ang maging bata ng ilang saglit sa mabilis na pagtakbo ng panahon…

…bukod sa pinalaki ako ng aking magulang sa palo ng sinturon at yantok…totoong nakagisnan ko na din ang panonood ng mga sentai, anime at cartoons… alam kong ang ilan sa inyo sa ngayon ay hindi mapigilan ang panonood ng mga anime tulad ng naruto, bleach at one piece… kabilang ata ako dun… sa totoo lang epekto pa din ito siguro ng aking nakagawian noong bata pa ako, hindi ko pa din makaligtaan ang masasayang alaala ng panood ng ng mga super sentai…sige nga, sino nga ba ang makakalimot kay alexis bilang shaider? at kay annie na tuwang-tuwa ka sa twing tumatambling ito at laging inaabangan kasi kita ang kanyang puting panty, hindi mo pa din makakalimutan ang kanta ng mga alagad ni Puma Lay Ar na shigi-shigi…sa aking palagay, na nuong una kong napanuod nakakatakot sinu ba naman hindi matatakot sa pugot na lumilipad na may mahabang pangil at nakakatakot na mukha, kilala mo pa din si pibo ng bioman…siguro naalala mo din na namatay ang unang yellow four, si pink 5 na favorite ko kasi bakat yung anu nya he he he.. si gorgom ng mask rider black kilala mo pa ba… Si Mask Rider black na walang katapusang naglalakad hindi matapos tapos bukod sa mga iyan, alam kong naaliw ka din kay machine man na namamasyal pa bago mag-transform…nakakatuwa din ang kanyang plastik cover na kapa at ang kanyang bolang si buknoy " The fighting ball " alam kong alam nyo pa din ang kantang…”Humanda na kayo kampon ng kadiliman Oras na ng pagtutuos kasamaan niyo’y dapat matapos… Narito na sila Bayaning tagapagtanggol Sa masama’y lilipol…”… tama! mula yan sa paborito kong Maskman..na minsan kung banggitin natin ay “MaskUman”… at hindi pa iyan jan magtatapos dahil, ang iba sa atin at malamang tulad ko din ay hindi pinaligtas ang UltraMan…madaming klase yan…Ultraman Ace, Ultraman King, Ulatraman Zopi, at madami pa ang angkan nyan…sama-sama nilang nilalaban ang mga dambuhala na sumasakop sa earth…aliw!…oo nga pla, si poseidon naalala mo pa?…ang jetman? and turbo rangers? hanggang dumating na tayo sa edition ng mga power rangers na sangkatutak na din ang versions. Dragon Ball Z na hanggang ngayung 2014 pinapalabas parin kahit sa internet hindi ko pa makita ang ending kung sino makakatalo kay majimboo…

…hindi natin napapansin na noon pa man matindi talaga ang attachment ng mga panoorin ito mula sa bansang hapon sa mga 80s at 90s babies sa Pilipinas… hindi lang sa mga sentai na panoorin, isama natin ang anime… sigurado ako kilala nyo naman ang Voltes V…hindi yan kamag-anak ni Gary V o Michael V…pero alam kong kilala nyo sila… naaalala nyo pa din siguro si Daimos na may kakaibang boobs… at ang iba’t ibang edition ng Voltron na kilala sa tagline na “Voltron Defender of the Universe”… pero hindi pa dyan nagtatapos ang pagpapakilala ng bansang hapon sa kanilang malikhaing gawa…sumunod-sunod ng lumabas ang Japanese Manga… Yakitate Japan, Evangelion, Saber Marrionette (peborit ko ito), Zenki (dakilang alagad ni Vadjula palayain mo ang iyong alagad na si Zenki, Vadjulla, maharu..sumskala…*yan ang naaalala ko dun pero inde ko alam ang ibig sabihin nung mga huling salita doon*), Ranma1/2, Samurai X, SlumDunk, Prince of Tennis, Dragon Ball Z, Ghost Fighter (si Eugune o kilala sa tawag na Yusuke), Lupin III, Vash Stampede ng Trigun, Sena ng Eyeshield21, Law of Euki…Sailor moon, magic rayearth, uggghhh… Si Mojacko na ang haba ng dila kapag nababasa ay lumalapad. Anong sinabi ni Dora at ni SpongeBob sa mga ito? Yan ang inaabangan namin nung maliliit kami. Marami pang anime tulad ng Flame of Recca, Samurai X, at Slam Dunk (ginagaya mo pa nga yung style ni Sakuragi diba?) na pumatok sa amin nung maliliit kami. Makakalimutan mo na nga ang asayment mo sa kakanuod nito. Kinakanta pa namin ang mga opening theme nitong mga to kahit Japanese Basta lang tumugma yung tunog at tama ang tono walang mali sa pandinig namin at pagkanta nito.ang dami pa kaso hindi ko na matandaan ang title ng iba…

…ang totoo nyan hindi lang naman mula sa bansang hapon ang mga panoorin ating kinagiliwan noon…. syempre…iba din ang tirada ng Looney Toons, ang klasik na Popeye the sailor man toootoot! may tootoot talaga yun…sina Daisy at Donald Duck, Flintstones, Road Runner, Woody Wood pecker, Pokemon (japan galing ito), Roger Rabbit, Tazmanian devil at syempre sina Mickey Mouse hindi natin na makakaligtaan sa listahan… pero bukod kina Winnie the Pooh at Barney na kilala ngayon…naalala nyo pa din ba kung gaano naging sikat ang marvel superheroes…sina mighty mouse este Mighty Thor at ang Justice League…syempre nandyan din ang X-Men…isasama ko na din sina Blue Blink, Remi, Nelo ng Dog of Flanders, alaga niyang ako ay si Patras, (Nelo Patras tagatinda ng gatas ) Heidi, Von Trapp Family, Adventures of Huckleberry Finn kasama nya si Tom Sawyer, si Mary at ang Lihim na Hardin, Si Julio at Julia ang kambal ng tadhana, Peter Pan, Princess Sarah…alam kong madami ka pang idadagdag dyan… oo nga pala, naalala nyo pa din siguro si Conan The Barbarian? Si He-Man at She-Ra, pamilyar ka pa din ba? eh bukod kina Michaelangelo, Leanardo, Rafael at Donatello ng Ninja Turtles, kilala mo pa din ba ang Ghost Busters? Si Cedie ang munting prinsepe, ang malupit dyan hindi ko pa din makakaligataan si Wally ng “where’s wally?” dahil ilang beses na akong na-late sa klase dahil sa kahahanap sa kanya…

sa mga pinagkaabalahan ko noong bata pa ako…masisisi nyo ba ako kung bakit hanggang sa ngayon patuloy pa din ang aking pagsubaybay sa buhay ni Naruto at ni Ichigo ng Bleach?… pero hindi lang yun, pati ang buhay ni Luffy ng One Piece ay susubaybayan ko na din.

oo nga pala…baka sabihin nyo hindi ako nanood ng mga panooring pilipino…syempre hindi ko din yan pinaligtas…mula sa paglipad sa pelikula nila Dolphy at Panchito, kakaibang aksyon ni FPJ, agimat ni Ramon Revilla, Petrang Kabayo ni Roderik, Inday-inday sa Balitaw at madami pang iba…syempre sa telebisyon hindi ko din makakaligtaan ang seryeng Agila dahil pinapatulog na ako ng nanay ko pagkatapos nun… ang Ana Luna na sobrang tagal bago matapos…ang nagtatago este nawawalang diary ni Mara Clara…ang heredero…ang batang gubat na si Ula…lahat yan naging parte ng aking pagkabata…

nakakatuwang isipin na ang mga iyan ay naging bahagi ng aking tatlupong tatlong taon sa mundong ito… mga panooring naging bahagi ng aking pagkatao…mga panooring produkto ng malawak na imahinasyon… imahinasyong puno ng mga pangarap…pangarap na nagbibigay halaga sa ating pagkatao…

Nakakamiss naman talaga maging bata. Alam kong may iba din kayong mga naranasan noon pero magkakapareho tayo sa iisang bagay: dumaan tayo sa pagiging isang “BATANG DEKADA NOBENTA 90’S”.

sulat ng ina at ama para sa kanilang mga anak


“Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako. Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo. Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo, kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentohan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.

Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina.

nabasa at nakuha ko ito sa isang blog na nadaanan ko.

Lunes, Agosto 25, 2014

Suplado Antipatiko

Maraming dahilan kung paano maging suplado, kanya-kanyang trip ika nga, marami sa atin na literal na mag-suplado lalo na pag lalake o sabihin na natin pati babae ay may karapatang mag-suplada pero minsan ang ganong bagay ay kailangang bagayan. Ako may sarili din akong dahilan kung bakit ako naging suplado.
Marami kasing nagsasabing suplado daw ako in person, like hindi ako approachable at friendly tingnan, snoberro ganun. Okay, baka ganun nga talaga ka-seryosong tingnan yung pagmumukha ko! haahaa! Pero the thing is, i’m not really the kind of person who will approach someone FIRST, it’s not that maarte ako, pero i feel awkward kasi talking to someone i don’t know. Pero maybe if someone would eventually approach me first, then i’d be happy to have a conversation with that person.
Sometimes, bago tayo mag-judge ng isang tao, let’s try to observe and know the person more muna.

Biyernes, Agosto 22, 2014

Memorable Philippine Classic Commercial 90's Jingles

Dalawang dekada na pala ang lumipas ngunit sariwa parin sa  akin ang mga commercial na itu, sinu ba naman sa atin ang hindi  sinasabayan ang mga tagline ng mga commercial kahit  pinapagalitan tayu ng ating mga magulang kasi naiingayan sila  diba?, lalo na kapag pagkain ang commecial pupuntahan pa  natin ang screen ng television at hahawakan at isusubo ang kamay kunwari kakainin natin ang nasa commercial. Masaya  ako at ako ay naging batang dekada nobenta, I know sa mga mga ka batchmate nakalimutan nyo na ang mga ilan dito.

Batang Nineties 90's ka kung alam mo ang mga commercial na itu,

Jollibee  (isang tulog na lang, jollibee na naman.ang araw lulubog, bukas mabubusog, sa chickenjoy manok at yumburger bilog..i love you sabado, pati na rin linggo, hintay ka lang jollibee nandyan na ako panlasang Pilipino at home sa jollibee!)

Mcdonalds ( Lo eto napo, san kaba galing gina, lo karen po, kasi ang tagal na natin hindi na nagkikita Gina, Karen po, hinati yung burger "ito para sa paborito kong apo si Karen )


Chowking "Nanay, nanay don't you cry sa allowance ko pwede pang mabuhay dun sa chowking merong meals tag 29 ang pancit 25 pesos lang 16 pesos can buy siomai merienda noodles 24 lang inay chicharap 14.50, halo halo 25 only nanay, nanay to you i sing affordable at eatable sa chowking!

Greenwich "Hanep hindi na drama naglevel up kana" "Sobra cheezy

Cindys "Cindys is the place to be, when your hungry Cindys is  the place to be, burger french fries fried chicken, cindys is the place to be.

Tender Juicy Hotdog " Dear diary carlo said he want me to date sabi nya im pretty kaso lang im pat I eat to much kasi eh mula ngayun goodbye chocolates goodbye spaghetti ( tumingin sa lamesa may hotdog )  ayyy.... goodbye carlo

Seiko Wallet (seiko, seiko wallet, ang wallet na maswerte, balat  nito ay genuine, international pa ang mga design, ang wallet na maswerte, seiko, seiko wallet). Sieko wallet ang wallet na maswerte.=

Mr. Clean (spoken: follow the leader. labadami, labango, new mr. clean,power plus 2 labadang mas malinis, ngayon ay labadami,labango. mr clean mahal ka namin, dulot mo’y labadami, labango.)

Knorr Real Chinese Soup (just add one egg!)

Tiki Tiki  ( united american tiki-tiki plus for baby )

Cheeze Curls by Jack’n Jill (cheesy cheeze curls, you’re the one… you make snack time lots of fun!… cheesy cheeze curls you’re my favorite cheesy treat!)

Promil (gifted child)… the sun is in the center of the solar system… moving around it are the planets…
" mom said dont eat your words, she said i have a beautiful voice" ang kulit & cute nung bata...

Coke  ito ang beat sabay-sabay, ito ang beat bawal sablay pabilis ng pabilis wag magmimiss wag magmimiss gets mo na gets ko na? cocacola nahihilo nahihilo nalilito nalilito, coke ko ito coke ko ito!

Palmolive – I can feel it! (with Alice Dixon)

Family Rubbing Alcohol – Di lang pampamilya pang-sports pa!

Milo – Great things start from small beginnings. Growing up with Milo, Milo everyday…

McDonalds</strong> – paparappapap love ko ‘to!=

Close Up – theme songs such as Closer You and I and Just A Smile Away

Colgate – brush brush brush three times a day, brush brush brush to make cavities away brush brush brush three times a day BRUSH WITH COLGATE! sheegeeesheegeee… one bago matulog brush brush brush dalawa bago kumain rush brush brush three bago matulog brush brush  brush brush with colgate!

Globe ( jackmaawatan )

Smart</strong> ( simply Amazing )

PLDT " Aru Dugo-Dugo gang kayu tatawag ako ng pulis " "Suporttahan taka"

Alaska" wala paring tatalo sa alaska"

Birch Tree " It's everybody's milk "

AmbiPure" see the clean, smell the flower

Avon " Lets talk "

Axe " because first expressions last " favorite scent ko yung Mirage...

Bonamine " kontra biyahilo " " gamot sa bukol meron ka? "

Cape Puro " sarap ng giniling na kape in an instant "
 
CDO Carne Norte " sarap gisado, nalalanghap "

Snickers " when you’re hungry "

Clover Chips " Simut sarap talaga "

Dari Creme " pinipili ng mapiling ina "

Dragon Katol " lamok siguradong tepok"


Dunkin Donuts " pasalubong ng bayan "

Newtex "dalaga kana hindi na bata"

Nestle Fresh Milk " galing sa dodo ng cow"

Globe " kausapin mo yang si Katrina, sumosobra na siya "

Skyflakes " by the way its tricia"

Coke "bridesmaid kalang"

Golden Fiesta Cooking Oil " pitong beses man gamitin golden brown parin" paano kung sa tuyo gamitin golden brown parin kaya?

Goldilocks " how thoughtful "

Rejoice Shampoo " ang gaan gaan ng feeling "

Johnson Baby Powder " ikaw lamang wala nang iba "

Joy bathroom tissue  " sa bukid walang papel, kiskis mo sa pilapil "

Kitkat " Have a break "

Master Eskinol " sikreto ng mga gwapo at sinuswerte "

Motolite " kumbinsing "

Nagaraya " go nuts with a crunch "

Nestea Ice Tea " take the plunge "

Nido " for the world’s no. 1 "

Oreo " twist, lick, dunk "

Pringles " once you pop, you can stop "

Revicon Forte "buhay ang dugo, buhay ang lakas "

Tide  "lagi nalang ako puros nalang ako "

Polo " the mint with a hole"

Safeguard " superior skin germ protection " kunsyensa "

Magnolia " sinung  bestfriend mo duon syempre ikaw lang"
Ovaltine
kuya : talaga bang mas masarap ang choco drink mo kesa
sakin?
bata : oo naman.
kuya : kung walang milk
bata :masarap pa rin!!
kuya :kung walang sugar?!
bata : masarap pa rin!!
kuya : kung walang water ?!?!?!
bata : masarap pa rin!!!

Bear Brand Choco " choco na gatas gatas na choco "

Family Toothpaste " Mother Father Brother Sister how you brush your teeth...

Coke
“I am the future of the world.
I am the hope of the nation.
I am tomorrow’s people.
I am the new generation.
And we have a song to sing to you…”

Jollibee " mommy nawawala si Jennifer "

Knorr Sinabawang Gulay (food seasoning for soup). "Makulay ang buhay, makulay ang buhay sa sinabawang gulay."

Nido Powder Milk "Look at me now, you're my number one. Bright as the day, you're my number one!"

Camella Homes "Bulilit, bulilit sanay sa masikip. Kung kumilos, kumilos ang liit-liit. Bulilit!"

Purefoods Hotdog : Kids can tell

Royal "ito ang gusto ko" "ilabas ang kulit".

Bear Brand Choco " choco na gatas gatas na choco "

7 up " i love you Piolo " before animated by Pido Dido

Sarsi " angat sa iba"

Family Toothpaste " Mother Father Brother Sister howyou brush your teeth..

Coke
“I am the future of the world.
I am the hope of the nation.
I am tomorrow’s people.
I am the new generation.
And we have a song to sing to you…”

Beam Toothpaste " B-E-A-M means smile. Smile kami pag BEAM. Beam na Beam ngiti'y protektado, panalo sa presyo panalo pag BEAM! "

Sunny Orange (bottled juice drink) " Sunny Orange I love you, Lemon, grapes, strawberry"

Nido Powder Milk "Look at me now, you're my number one. Bright as the day, you're my number one!"

Purefoods Hotdog : Kids can tell

Ang sarap balikan ang mga alaala nung ating kabataan na walang iniisip na problema dahil sa mga ito muli nating maibabalik sa ating mga isipan ang ating kabataan na mananatili sa ating mga isipan. Proud to be Batang 90's, Batang Dekada Nobenta.
Kung meron pa kayong maidadag dyan mawari ay pakisabi nalang kung meron pa akong nakalimutan..